TUNA MAKER MAGSUSUPLAY NG ISDA, COCONUT MILK PRODUCTS SA RUSSIAN FIRMS

Tuna

INIHAYAG ng Century Pacific Food Inc. kama­kailan na magsusuplay sila ng tuna, sardinas at  coconut milk products  sa  Russian firms, sa ilalim ng deals na pinirmahan noong magtungo si President Rodrigo Duterte sa Russia.

Lumagda rin ang maker ng Century Tuna ng hiwalay na memorandum of understanding (MOU) sa Magnit Food Retail Chain, Dalimo at LLC Dalpromryba para sa tuna at sardinas at sa Panasia Impex Co. para sa coconut milk.

“Russia is an attractive market for us because of its large, increasingly affluent, and highly educated population,” pahayag ni Century Pacific COO Gregory Banzon sa isang pagsisiwalat sa stock exchange.

Comments are closed.