Tunawin ang taba ng walang kahirap-hirap

Kaye Nebre Martin

Lagi na lang nilanag sinasabing Laser liposuction ang pinakamabilis na paraan para pumayat. Ayoko niyan! Una, napakamahal. Ikalawa, huh, kakatakot kaya! Hindi siya natural. Tinutunaw ng laser energy ang unwanted fat para madaling matanggal sa katawan. Kaya no! Ayoko! Kahit pa nga sa totoo lang, tumaba talaga ako nitong panahon ng pandemya at hirap na hirap akong alisin ang na-accumulate kong fats.

Malakas talaga akong kumain. Sabi ng Mommy ko, daig ko pa raw ang kargador sa pier kung kumain. Pero hindi ako tumataba. Siguro, dahil mabilis ang metabolism ko. Bihira naman kasi akong nakaupo lang o nasa bahay lang. Lagi akong may ginagawa – nagsusulat, nagtatrabaho sa call center, naglilinis ng bahay – kahit ano. Pero nitong pandemic, bawal kasing lumabas at naging libangan pa namin ang magluto at kumain, kaya heto, overweight ako.

Walang exercise.

Sabi ng mga health specialists, 150–300 minutes of moderate to vigorous exercise per week, o 20–40 minutes exercise daw araw-araw, ay sapat na para ma-maintain ang kalusugan. Jogging, walking, cycling, at swimming ang pinakamadaling workouts. Kaso, bawal nga lumabas kaya tiyaga na lang sa stationary bike na nakakainip dahil wala ka namang nakikita. Pwede rin sanang aerobic exercise pero hindi ako marunong sumayaw. Pero dahil gusto kong ibalik ang dati kong katawan, heto po ang nakita kong ilang paraan:

Sabi ng ani John F. Kennedy, “Physical fitness is not only one of the most important keys to a healthy body, it is the basis of dynamic and creative intellectual activity.” Naniniwala ako dyan. At one point or another, hate natin ang ideya pa lamang ng “work out” or “getting fit.” Bakit? Kasi, akala natin, matrabaho. Heh! Ako pa? Sa tamad kong ito, magwo-work out?

Pero sa totio lang, pwede nating ayusin ang ating ayusin ang ating kalusugan na hindi natin babaguhin ang ating lifestyle. Sure, we can go on a binge diet para mabawasan ang timbang o mas sumeksi, pero magsa-suffer naman ang ating health – at malamang sa malamang, babalik nan naman ang dating taba. Kaya nga dapat, balanse ang tatlong variables: (1) kalusugan, (2) appearance, at (3) kagustuhang makamit ang (1) and (2).

Galaw-galaw lang pag may time. Lahat ng parte ng katawan, dapat gumalaw. Kaya nga yung mga nalulumpo o nagiging bed-ridden, kailangang galawin ang katawan para hindi lumiit ang mga muscles. Ganoon kakumplikado ang katawan. Parang kutsilyo lang, pag hindi nagagamit, pumupurol. Parang utak. Pag puro kabobohan ang naririnig mo, mabobobo ka na rin.

Hindi naman kailangang pumunta ka pa sa gym. Sumayaw ka lang ng 20-30 minutes per day pwede na. Kung katulad kitang parehong kaliwa ang paa, siguruhin mo lang na walang nakakakita.

Pwede ka ring gumamit ng light dumbbells sa umpisa para masanay ang mga muscles. (a) tumayo na nakabuka ang mga paa, (b) yumuko bahagya sa hips habang pinipigil ang tiyan (para lumiit), (c) igalaw ang siko patungo sa hips pero malapit pa rin sa katawan; galawin ang back muscles, (d) balik sa starting position.

Susunod ang abdominal twist na walang light dumbbells, para maalis ang flabby abs. (a) upo ka lang na nakaliko ang tuhod ng 45-degree angle, feet flat on the floor, (b) ilagay ang dalawang kamay sa dibdib, (c) straight back habang pinupwersa ang abs area, (d) yumuko ng konti, medyo nakataas ang paa, (e) unti-unting i-twist ang tiyan sa kanan at ilagay ang kamay sa right hip, (f) ulitin sa kaliwa.

Pagkatapos niyan, tumayo na magkahiwalay ang paa. Ilagay ang weight sa mga kamay mula sa balikat. Dapat, straight back ka lagi. Then, mag-squat na dahan-dahan. Dapat, ang pwersa ay nasa abs at nakataas naman ang dibdib.

Sa plank position naman tayo dahil ito ang best for strengthening the core abdominal areas. Napapalakas din nito ang back muscles.

Simulan sa pushup position. Dapat, straight line ang katawan. Unti-unting umupo. Pisilin ang mga sakong (heels), paa, daliri sap aa – paa as a whole – patungo sa binti, tuhod, hanggang hita. Gawin ito sa kanan at kaliwang paa.

Ipagpag ang mga kamay at tapos na ang 20-minute exercise.

Hindi ko masasabing epektibo ito sa lahat ng tao pero naging epektibo sa akin. Ang gusto ko lang namang patunayan dito ay hindi mo na kailangang magsayang ng pera at oras sa gym para pumayat. Kahit sa kwarto mo, pwede, basta masipag ka lang.KNM