TUNGO SA MGA ESPASYONG POSITIBO

(Pagpapatuloy…)
Ang teknolohiya ay siguradong maka­tu­tu­long pagdating sa pagdidisenyo at paggawa ng iba’t-ibang uri ng mga espasyo.

Ang mga inobasyon pagdating sa property technology at digital infrastructure ay maaaring magbigay ng solusyon sa mga kasalukuyang isyu at masigurong makakasabay ang mga espasyo sa mga pangangailangan ng tao at ng kalikasan.

Ang disenyo at pagkaka-ayos ng mga siyudad, maging ang mga espasyo para sa tirahan at trabaho, ay kailangan na ring magbago upang makasabay sa panahon. Halimbawa, ang mga mixed-use areas at mga pampublikong lugar ay maaaring maidisenyo sa malikhaing paraan upang maabot ang pinakamataas na potensyal pagdating sa kapakinabangan at maging sa paglikom ng kita. Mayroong mga halimbawang ma­kikita online upang mai­larawan ang mga ito. Kailangang konsultahin ang buong komunidad at isaalang-alang ang mga pangangailangan at mga isyung kaugnay nito. Ito ay isang paraan upang makagawa ng positibo at “inclusive” na mga espasyo.

Ilang mga siyudad na ang nagpapatupad ng mga ordinansang maka-kalikasan, tu­lad ng mga waste ma­nagement programs, mga kampanya para sa plastic ban at pagbabawal sa paninigarilyo, imple­mentasyon ng clean air act, at mga ordinansa para sa green building at greenhouse gas reduction, at iba pa. Ang paggamit ng mga public electric vehicles at mga solar panels para sa mga pampublikong gusali ay hinihikayat na rin. Lahat ng ito ay makakatulong at lubhang kailangan sa panahon ngayon, kahit na alam nating lahat na mas marami pa dapat ang aksyon o pagkilos.

Kailangang pag-igti­ngin ang pagtutulungan ng lahat ng sektor upang makatugon sa mga hamong dala ng climate change. Ang mga negosyo, komunidad, mga stakeholder, gob­yerno, at mga indibidwal ay kailangang umaksyon na ngayon at magbigay ng kanilang kani-kaniyang ambag sa pagkilos. Ito ay responsibilidad ng lahat, at lahat naman tayo ay mayroong benepisyo sa mga pagkilos na ito. Ang mundo ay ang ating nag-iisang tahanan kaya’t nararapat lang na alagaan natin na ito upang maaari pang matirahan ng ating mga anak at ng mga susunod pang henerasyon.