TUNISIA AT FILIPINAS NAGKASUNDO PARA RESOLBAHIN ANG PROBLEMA NG OFWs

Robert Borje

MAYNILA – NAGKASUNDO ang Filipinas at Tunisia na magkaroon ng kooperasyon para resolbahin ang paghihirap ng mga displaced overseas Filipino workers.

Pahayag ni Chief Presidential Protocol at Presidential Assistant on Foreign Relations Robert Borje na kaniyang nakapulong si Tunisian Acting Foreign Minister Sabri Bachtobji nang mag-courtesy siya sa Tunisia at kanilang tinalakay ang usapin.

Ipinaabot ni Borje sa Tunisian official ang mensahe ni Pangulong  Rodrigo Duterte na pagkilala sa role ng Tunisian government at nagpasalamat sa mga ibinibigay na assistance sa Filipino na dumaraan sa kanila mula Libya.

Sa ulat, nililisan ng mga Filipino at dumaraan sa Tunisia, Malta at maging sa Egypt.

SAyon din kay Bachtodji na nais ng Pangulo na makatrabaho ang Tunisia hinggil sa migrant workers’ issues para matiyak ang seguridad ng mga ito.

Kinilala rin ni Bachtobji ang kahalagaan ng koordinasyon ng dalawang bansa. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.