TUNNEL, SOLUSYON SA TRAFFIC?

Para maibsan ang traffic, tunnel huhukayin sa Commonwealth

Pinaplano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkaroon ng exclusive lane ang mga bus, at humukay ng underground tunnel sa Commonwealth Avenue upang maibsan ang traffic congestion.

Ang nasabing tunnel ay exclusive lamang sa mga bus, kaya hindi sila mahaharangan ng ma­liliit na sasakyan. Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, tinatalakay na nila ang panukalang ito, at pinag-aaralang mabuti ang pros and cons sakali ngang matuloy.

Gagawin umano itong katulad ng EDSA busway, ayon sa MMDA Traffic Engineering Center. Ang pagkakaiba lamang ay kailangang gumawa ng tunnel sa Commonwealth habang sa EDSA ay hindi na.

Pinag-aaralan na rin umano nila kung paano gagawin ang underground tunnel sa Commonwealth Avenue na hindi gaanong makaaabala sa motorista.

Sa kasalukuyan, ipinatutupad ng MMDA sa Commonwealth Ave.

Amaabot sa average na 18,000 sasakyan ang dumaraan sa Commonwealth Avenue araw-araw, daily, at mas marami pa kapag may okasyon. Mahigit sa 10,000 sasakyan naman mula sa nasabing bilang ang dumidiretso sa Que­zon Avenue, habang ang iba pa ay dumaraan naman sa East Avenue.

Ayon pa sa MMDA, 244,689 sasakyang pampubliko at pribado, UV Express vans, taxi, bus, trucks, trailer trucks, motorcycles at tricycles ang gumagamit sa kahabaan ng Commonwealth Ave­nue batay sa kanilang hulingntala noong January 2024.

JAYZL VILLAFANIA NEBRE