TUPAD ORIENTATION SA MGA BENEPISYARYO SA CAMARINES NORTE, TINUPAD NG DOLE AT AKO BICOL PARTYLIST

TINUPAD ng Department of Labor and Employment-Camarines Norte Field Office ang kanilang ipinangakong Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Orientation katuwang ang Ako Bicol Partylist para sa 317 benepisyaryo sa bayan ng Mercedes.

Ang nasabing programa ay bahagi ng adhikain ng DOLE at Ako Bicol Partylist na magsilbing tulay sa pagbibigay ng tulong at oportunidad sa mga manggagawang Bikolano lalo na sa mga nangangailangan ng trabaho at kabuhayan.

Sa pamamagitan nito, natulungan nilang maisaayos ang mga dokumento at proseso na kinakailangan para sa programang ito.

Tuloy-tuloy ang mga programa at proyekto ng DOLE at partner nitong Ako Bicol Partylist sa pangunguna ng mga kinatawan nito na sina Cong. Elizaldy Co at Raul Angelo Bongalon.

Ayon sa DOLE-Camarines Norte, “Ang Ako Bicol Partylist ay tunay na “Katabang na, Kasurog pa.”

RUBEN FUENTES