HINDI maitatanggi na ang pagkakaroon ng Tulong Panghanapbuhay sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ay isang positibong hakbang para sa komunidad ng Parañaque .
Ang aktibong partisipasyon ni Congressman Edwin Olivarez ay nagpapakita ng kooperasyon ng lokal at pambansang gobyerno sa pagtulong sa mga nangangailangan ng trabaho.
Tunay na mahalaga ang programang ito sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga mamamayan.
Masasabing maganda rin na mayroong mga mithiin ang lokal na pamahalaan para rito.
Prayoridad naman ng liderato ni Mayor Eric Olivarez ang health sector sa kanyang nasasakupan.
Nagpapakita ito ng kanyang dedikasyon sa pagsusulong ng kaunlaran at kagalingan ng Parañaque.
Ang kanyang pagsusulong ng mga proyektong pangkalusugan at edukasyon ay nagdudulot ng positibong epekto sa komunidad.
Sa isang seremonya, mainit na binati ng punong lungsod ang Boy Scouts of the Philippine (BSP) Parañaque City Council sa pangunguna ni Ms. Hyde Ofracio.
Nagkasa kasi sila ng mga programa, kabilang ang medical mission sa Palanyag Park, Tramo 2 sa Barangay San Dionisio; Bayanihan para sa Kalikasan; pagpapasinaya ng Barangay San Martin De Porres Health Center; at pagsalubong sa mga opisyal ng World Health Organization.
Bukod sa pagdalo sa 1st Bingonatics para sa mga Diabetic at sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month 2023, pinangasiwaan din ng masipag na alkalde ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng Supreme Elementary Learner Government (SELG), School Parent-Teacher Association (SPTA), Homeroom Parents-Teachers Association (HRPTA), Faculty Club, Non-Teaching Personnel, at iba pang samahan habang sinaksihan din niya ang groundbreaking ceremony ng two-storey multi-purpose building sa loob ng Baclaran Elementary School Unit II.
Samantala, tumaas ang approved foreign investments bansa,
Mahalaga ang matagumpay na pagtanggap ng foreign investment pledges mula sa biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang pagkakaroon ng malaking investment pledges, lalo na sa renewable energy, ay magandang balita para sa bansa.
Siyempre, ang mataas na porsyento ng pag-angat sa investment pledges ay nagpapakita ng matagumpay na panghihikayat sa dayuhang mamumuhunan.
Importante ang koordinasyon at update na ibinibigay ni Pangulong Marcos sa mga investment opportunities sa bansa, at ito’y isang hakbang patungo sa mas malakas at progresibong ekonomiya.