TURISMO SA BENGUET PASISIGLAHIN PA

Eric Yap

LINGID sa kaalaman ng karamihan na si ACT-CIS at Benguet Caretaker Cong. Eric Yap ang nag-imbita sa Miss Universe Philippines para roon ganapin ang pageant ngayong 2020.

Sinabi ni Yap, “Gusto ko lang po na makilala din ang Benguet hindi lang sa malamig na klima at supplier ng gulay at strawberry  kundi sa napakaraming magandang tanawin dito na hindi nakikita ng mga kabababayan natin sa ibang lugar.”

Kasama sa plano ni Cong. Yap na sesementuhin ang mga kalsada sa iba’t-ibang bahagi ng Benguet hindi lang para madaling maibaba ang mga produkto ng mga magsasaka kundi para marating ng mga turista ang magagandang lugar sa lalawigan.

“Nagbigay na po ng P50 million ang Department of Tourism (DOT) para mapasigla ang turismo dito sa Benguet,” ani Yap.

Pinapaayos niya na rin ang comfort room at viewing deck sa strawberry fields sa La Trinidad.

“Umpisa pa lang po ito dahil titiyakin ko na kapag natapos na itong COVID-19 itong Benguet ay isa sa papasyalan ng mga foreign tourist dahil sa ganda nito sa susunod na taon,” dagdag pa ni Yap.

Comments are closed.