BANDAR SERI BEGAWAN, Brunei—DETERMINADO si Tourism Secretary Christina Frasco na tuluyan nang buksan ang turismo sa Mindanao.
Ginawa ni Frasco ang pahayag sa harap ng Philippine media delegation sa Brunei at ibinida na mayroong kasunduan ang Department of Tourism sa Megaworld Corporation upang gawing Muslim- and Halal-friendly enterprises ang mga tourism establishments.
“With this, what we expect is really to be able to tap into this billion dollar industry that is Halal and Muslim-friendly industry. Ang layunin po natin ay, unang-una, fully open up Mindanao tourism which, of course, has the closest relations in terms of Islamic influence to our Muslim brothers and sisters,”ayon kay Frasco.
Bukod sa pagpapalawak sa Muslim-friendly tourism, umaasa ang kalihim na magiging top destination sa Pilipinas ang Mindanao.
Una nang lumagda ng kasunduan ang Pilipinas at Brunei na naglalayong mapataas ang tourist arrivals sa bansa gayundin sa mga bansang magtutungo sa Pilipinas upang mapalakas ang world tourist-generating markets, at hihimok sa maraming bisita.
Ang kasunduan ay nilagdaan nina Frasco at Brunei Darussalam Minister of Primary Resources and Tourism Dato Seri Setia Dr Haji Abdul Manaf bin Haji Metussin.
Mismong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Sultan Hassanal Bolkiah ang sumaksi sa paglagda sa kasunduan. EVELYN QUIROZ