TURISMO SA MINDANAO PALALAKASIN, SEGURIDAD SISIGURUHIN

MAARI namang mapalakas ang turismo sa Min­danao sa kabila ng mga banta ng kaligtasan.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Director for Operations, Maj. Gen. Valeriano De Leon, isusulong na ng pamahalaan na gawing tourist spot na ang Mindanao dahil sa taglay nitong magagandang lugar gaya ng mga beach, falls at mga kabundukan.

Aniya, mayaman din sa kultura ang Mindanao na maaaring nais tuklasin ng mga local o foreign tourist.
Tinuloy din nito ang usapin ng kaligtasan na bagaman may mga napaulat na ng kaguluhan ay mga isolation case lamang iyon.

Sinabi nito, nakahanda ang PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) para matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo na ng mga turista.

Aniya, dapat lang na unawain ng publiko ang kakaibang kultura ng Mindanaoan.

“Yes, may banta roon pero it can be frequented at dapat ding magtulong-tulong para matiyak ang kaligtasan, alam n’yo ang peace and order ay mandato ng PNP at katuwang naming ang AFP, “ ayon pa kay De Leon. EUNICE CELARIO