NAGBABALA ang pamunuan ng Bureau of immigration sa lahat ng dayuhan na huwag makipag-transaksyon sa serbisyo ng “fixers” sa pagpro-proseso ng kanilang mga dokumento.
Ito ang sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco bunsod sa mga ulat na kanilang natanggap na ilang indibidwal ang nag-aalok ang kanilang serbisyo sa mga dayuhan na mag-ayos sa kanilang mga dokumento kapalit ng malaking halaga.
“My office has received reports that scammers are charging exorbitant amounts and promising to fix their problems,” ayon kay Tansingco.
Dagdag pa ni Tansingco na ginagamit ng scammers ang apps na WeChat para makapanloko.
“This is a scam. Do not even attempt to deal with these scammers, they will not help you with your case. It is best to just follow the law, lest be faced with more problems,” paalala nito. PAUL ROLDAN