TURISTA INAASAHANG DADAGSA

INAASAHAN  ng Bureau of Immigration (BI) na hanggang Bagong Taon ay mataas ang arrivals at departures sa mga paliparan sa bansa.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval na noong bisperas ng Pasko ay nasa 32,000 ang kabuuang dumating sa bansa at karamihan ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Habang halos 30,000 naman na biyahero ang dumating sa araw ng Pasko.

Nasa 22,248 ang departures noong Christmas Eve at 27,934 sa mismong araw ng Pasko.

Sinabi ni Sandoval na ang mga nabanggit na bilang ay mas mataas kumpara sa nakalipas na dalawang taon o kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Sa projection ng BI hanggang Bagong Taon ay inaasahang tataas pa ang bilang ng arrivals lalo na ang departures dahil nag-uuwian na ang mga nakatira sa abroad at overseas Filipino workers (OFWs) na naka- deploy sa ibang bansa.

Sinabi ni Sandoval na magandang balita ito dahil nakikitang tumataas na muli ang confidence ng mga biyahero at bumabangon na ang turismo at international travel sector. DWIZ882