INIHAYAG ni Immigration Commissioner Jaime Morente na hindi papayagan makapasok sa bansa ang mga dayuhan na galing sa bansang Austria.
Magsisimula ang ban restriction simula alas-12:01 ng hating gabi ng Enero 10 hanggang Enero 15 alinsunod na rin sa naging kautusan ng Malakanyang.
Matatandaan na nitong nakalipas na Linggo ipinatupad ang travel ban restriction ng inter-Agency Task Force on COVID-19 sa 21 bansa kabilang ang United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, Netherlands, Hong Kong SAR, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, at United States.
Bukod sa 21 bansa isinama na rin sa travel ban restrictions ang mga bansa ng Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, at Brazil upang maiwasan na makapasok sa bansa ang new South African coronavirus.
Ngunit, ayon kay Morente ang mga Filipino na galing sa binabanggit na mga bansa ay makakapasok ngunit agad na dadalhin sa airlines one stop shop para sumailalim sa 14-day quarantine period.
Habang ang transit passengers na mula sa nasabing 28 na bansa ay kinakailangan pa rin mag-undergo sa 14-day quarantine at dadaan pa rin sa regular protocols.
FROILAN MORALLOS
Comments are closed.