UMAABOT na sa 5,000 katao ang namatay na patuloy pang nadaragdagan habang libu-libo naman ang sugatan makaraang tumama ang magnitude 7.8 lindol sa Central Turkey at Northwest Syria na kasalukuyan nasa ilalim pa ng freezing winter season nitong Lunes ng madaling araw.
Sa tala ni Health Minister Fahrettin Koca ng Turkey, aabot sa 1,650 ang namatay sa 10 lalawigan ng Turkey habang 11,119 katao ang nasugatan samantala sa Syria naman ay naitala sa 968 ang namatay at 1, 280 sugatan base sa ulat ng Damascus government at rescue workers sa northwestern region na kontrolado ng grupong rebelde.
Base sa ulat ng mga pahayagan, magkakasunod na bumagsak ang 17 gusali sa Diyarbakir, Turkey habang 16 naman sa Sanliurfa at 34 gusali sa Osmaniye na sinasabing milyon ang nakatira sa malagim na naganap kaysa naganap na giyera sa Syria may ilang taon na ang nakalipas.
Ayon sa ilang ulat ng mga pahayagan, bukod sa unang lindol na magnitude 7.8 ay sinundan pa ito ng malakas na magnitude 7.7 lindol na naganap habang gumagapang ang liwanag sa kalangitan kung saan marami pang bumagsak na gusali na nanganib ang buhay ng mga rescuer na kasalukuyang nagsasagawa ng pagsagip sa mga gusali at bahay na naunang bumagsak sa unang paglindol.
Kabilang sa naapektuhan ng lindol ay ang UNESCO World Cultural Heritage at ancient landmark na Gaziantep Castle na may 2,000 taon habang ang Sirvani Mosque na 17th century old na katabi ng Gaziantep ay gumuho ng bahagya, ayon sa Anadolu Agency.
Sa mga nailathalang ulat sa pahayagan, sa pahayag ng isang residente sa bayan ng Atareb, Syria na si Abdul Salam al- Mahmoud na “It was like apocalypse.” samantala, ang nasabing lindol ay sinasabing katumbas ng 500 kilong TNT na sumabog na naitala ng U.S. Geological survey na biggest worldwide kaysa lindol na naganap sa South Atlantic noong Agosto,2021.
Ayon kay Turkey President Tayyip Erdogan, 45 bansa ang nag-alok ng tulong para sa search and rescue operations kaugnay sa naganap na magkasunod na lindol kung saan sinasabing madaragdan pa ang bilang ng mga namatay at nasugatan. MHAR BASCO