TURO NI HARING SOLOMON: HUWAG MAGING MAHILIGIN SA TULOG

“HUWAG mong ibigin ang pagtulog, baka humantong ka sa kahirapan; imulat mo ang iyong mga mata, at mabubusog ka ng tinapay.” (Kawikaan 20:13)

Binigyan ng Diyos ang bawat tao ng dalawampu’t apat na oras sa isang araw. Walang sinumang may sobra at walang
sinumang may kulang. Nagkakaiba ang mga tao sa paggamit ng beinte-kuwatro oras nila. Puwede nating hatiin sa tatlong tigwawalong oras ang ating araw. Ang sabi ng mga doktor, kailangan ng tao (at nakagisnan na ito ng marami) ng walong oras na pagtulog para sa kalusugang pangkaisipan.

Kailangan daw natin ito para makapagpahinga nang mabuti at maging handang muling humarap sa trabaho sa susunod na araw. Ang sabi naman ng Labor Code of the Philippines, ang le- gal na bilang ng oras sa pagtatra- baho ay walong oras kada araw. Kung sosobra ka sa walong oras ng pagtatrabaho, dapat ay maningil ka na ng overtime pay.

Karapatan ng bawat emp- leyado na magtrabaho lang ng walong oras sa isang araw, ayon sa batas; kapag hihigit dito, may karapatan ang isang manggaga- wang mag-demand ng dagdag pabuya.

Kung susumahin natin ang walong oras sa pagtulog at walong oras sa pagtatrabaho, may matitira pang ikatlong walong oras para mabuo ang 24 oras ng isang araw. Anuman ang ginagawa ng isang tao sa kanyang ikatlong walong oras ay maaaring maging daan ng kanyang pagyaman o pananatiling walang pagbabago sa kalagayan sa buhay. Ang ginagawa ng mga matatalinong tao sa kanilang ikatlong walong oras ay magtrabaho pang muli. Puwede rin silang magplano ng pag-iibayo ng kalagayan nila sa buhay. Puwede nilang gamitin ito sa pagkamit ng mas mataas na pinag- aralan. Puwede nilang gamitin ito sa pagbabasa ng mga mabubuting aklat. Puwede nila itong gamitin sa pagkakaroon ng “second job”

(pangalawang trabaho).

Walang batas sa Pilipinas na nagbabawal sa sinumang magkaroon ng pangalawa o pangatlong trabaho. Puwede rin nilang gamitin ito sa pagnenegosyo. Subalit ang ginagawa ng mga taong hangal o tamad sa kanilang ikatlong walong oras ay matulog, magsugal, maglaro, magbarkada, mag-beerhouse, o magsayang ng oras. Mayroong mga tao, sa bawat gabi na nilikha ng Diyos, wala silang ginawa kundi magpunta sa beerhouse, mag-karaoke, maglasingan, makipaglampungan sa mga babaeng hindi nila asawa. Yayaman ba ang mga taong ganito? Hindi! Bukod sa nagsasayang sila ng oras, nagsasayang din sila ng pera at gumagamit sila ng mga bagay na maaaring magdulot sa kanila ng sakit — sakit sa baga kung sigarilyo, sakit sa atay kung alak, sakit sa utak kung droga, sakit sa ari kung mahilig sa prostitute, o AIDS kung mahilig makipagtalik sa kapwa lalaki. Lahat ng mga bisyo ay may kaakibat na sakit o parusa ng Diyos. Anuman ang iyong itinanim, siya mong aanihin.

Ang mga tamad ay mahilig sa tulog. Mahigit sa walong oras kung sila ay matulog sa gabi, kaya huli nang pumasok sa opisina sa umaga. Habang nasa public utility vehicle papuntang opisina, natutulog na naman sila. Sa opisina, dahil kaunti lang naman ang trabaho nila, natutulog na naman. Tuwing break time, hahanap sila ng lugar kung saan puwede silang umidlip. Pag lunch break na, matapos kumain ng tanghalian, magsi-siesta pa sila. Ang oras matapos ng tanghalian ay tinatawag nilang “unholy hour” dahil nakakaantok pagkatapos kumain, kaya matutulog uli. Pagkatapos ng oras sa trabaho sa opisina, hahanap sila ng sasakyang mag-uuwi sa kanila sa kanilang tirahan. Dahil grabe ang traffic sa Maynila, na kung minsan ay umaabot sa tatlong oras sa pagbiyahe, aantukin uli ang tamad at matutulog na naman.

Pagdating ng bahay, tamang-tama lang para sa oras ng hapunan. Pagkatapos kumain, manonood ng TV bilang libangan. Habang nanonood, aantukin at matutulog uli. Gigisingin siya ng asawa niya para matulog na sa gabi. Kinabukasan, ganoon na naman uli ang kanyang routine. Yayaman ba ang mga taong ganyan?

May kakilala akong isang masipag na empleyadong nagtatrabaho sa GSIS. Pag-uwi niya sa bahay niya sa Kamias Street sa Quezon City, naglalatag siya ng tatlong mesa sa harapan ng bahay niya para magluto at magtinda ng mga pagkaing panghapunan gaya ng barbecue, chicken inasal, at iba pang ulam. Mahilig at magaling siyang magluto. Makalipas lang ang isang oras, ubos na ang kanyang paninda at kumita na siya ng pera. Ang sabi niya sa akin, mas malaki pa ang kinikita niya sa kanyang sideline business na ito kaysa sa suweldo niya sa gobyerno.

Ako naman, bago ako magtayo ng sarili kong negosyo noong 1995, at ako ay namamasukan pa, mayroon akong
apat na trabahong sabay-sabay. Sa araw, nagtrabaho ako sa isang multinational company mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. At magmamadali akong pumunta sa La Salle-College of Saint Benilde para magturo ng HRD, Management Psychology at Entrepreneurship. May suweldo ako. Pag bakasyon, tumatanggap ako ng mga consultancy projects na madalas magbigay sa akin ng kitang mas malaki pa sa suweldo ko sa opisina. At sa Linggo naman, ako ay nagpapastor sa OB Christian Community Church sa Quezon City. Wala akong suweldo sa pagpapastor dahil iyon ay paglilingkod ko sa Diyos. Dahil sa turo ng Bibliya, natuto akong magtrabaho nang buong sipag. At hindi kataka-taka na nakaipon ako ng malaki at nakabili ng farm sa Batangas na naging lugar-bakasyunan ng aking pamilya. Tama ang turo ni Haring Solomon, “Huwag tayong maging mahiligin sa tulog, para hindi tayo maghirap.”

vvv
(Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang YouTube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe. Salamat.)