“GUTOM ang papatay sa taong batugan, pag- kat ayaw niyang ikilos ang kanyang mga ka- may. Ang taong tamad ay nanghihingi arawaraw, ngunit ang matu- wid ay di nagsasawa ng kabibigay.” (Kawikaan 21:25-26)
Mayroong mahi- wagang nagaganap sa mundo; mahirap siyang ipaliwanag. Sa aking palagay, may hiwaga da- hil mayroong Diyos na ‘di nakikita na nangan- gasiwa sa daigdig. Hindi natin nakikita ang Diyos dahil siya ay Espiritu, subalit siya ay tunay. Na- kikita niya ang lahat ng nangyayari sa ibabaw ng sanlibutan. Ang sabi nga ni Solomon, “A man’s ways are in full view of the Lord and he exam- ines all his paths.” (Ang mga paraan ng isang tao ay nakikita nang buongbuo ng Panginoon at sinusuri niya ang lahat niyang mga daraanan; Kawikaan 5:21).
Nilikha ng Diyos ang tao sa kanyang lar- awan. Ipinakikita ng Bibliya na ang Diyos ay ubod ng sipag, napaka- bilis at napakapulidong magtrabaho. Ginawa niya ang buong sansinu- kob sa loob lamang ng anim na araw. Samu’t sari ang kanyang nilikha – mga tao, hayop, hala- man, bulaklak, prutas, ibon, isda, mga bituin sa langit, atbp. Tunay siyang kahanga-hanga. Dahil ang tao ay larawan ng Diyos, inaasahan niya na ang tao ay magiging kasing sipag at kasing bilis niyang gumawa.
Kapag ang tao ay nagbabatugan, iniinsul- to niya ang lumikha. Kumikilos ang taong tamad sa paraang kabaligtaran ng katangain ng Diyos. Ang ganap na kalooban ng Diyos ay ang magtrabaho ang tao para siya makakain. Bagama’t inilagay ng Diyos ang unang tao sa Paraiso kung saan ang lahat ng pangangailangan ay matutugunan, binigyan pa rin ng Diyos ang tao ng trabaho – ang “pagyamanin at pangalagaan” ang Hardin ng Eden.
Nang magkasala ang tao, pinalayas siya mula sa hardin at naging mahirap ang trabaho. Ang sabi ng Diyos kay Adan, “Sa hirap ng pagbubungkal, pagkain mo’y magmumula. Mga damo at tinik ang iyong aanihin, halaman sa gubat ang iyong kakainin; sa pagod at pawis pagkain mo’y manggagaling.” (Genesis 3:17-19)
Kapag hindi magtatrabaho ang tao, wala siyang kita at pambili ng pagkain, kaya magugutom siya. Ano ngayon ang gagawin niya para manatiling buhay? E ‘di manlilimos! Ang taong hindi nagtatrabaho kun- di ay laging nanghihingi ay nagiging pabigat sa lipunan.
Minsan, nagkaroon ako ng programa sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Naisipan kong tanungin ang isang opisyal kung pinapayagan ba ng DSWD ang pagbibigay ng limos. Ang sagot sa akin, “Hindi po. Napakarami ng aming mga programa para sa mga pulubi para maalis sila sa lansangan at magkaroon ng marangal na hanapbuhay, subalit mas gusto nilang manlimos dahil mas madaling magkaroon ng pera sa panlilimos kaysa sa pagtatrabaho. Kapag nagbibigay kayo ng limos, hindi magtatagumpay ang aming mga programa. Hindi mawawala ang mga pulubi.”
Nakatira ako ngayon sa probinsya at nagsasaka. Nagtatanim ako ng samu’t saring tanim para sa ikabubuhay namin ng aking asawa. Bukod dito, patuloy pa rin kaming naghahatid ng mga serbisyo sa mga kliyente at nagbabayad sila sa amin ng honorarium. Napansin ko, tuwing pupunta ako sa LandBank para mag-withdraw ng pera, napakahaba ng linya ng mga taong kumukuha ng kanilang “limos” sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (PPPP) ng gobyerno. Nagbulay-bulay ako, pahaba nang pahaba kasi ang linya ng mga taong umaasa sa limos, ilan kaya sa kanila ang napalaya mula sa karalitaan sa pamamagitan ng PPPP ng gobyerno?
Mayroon ba? Hindi ako sang-ayon sa pamimigay ng libreng bpera. Ang alam ko kasi, ang pera ay hindi hinihingi kundi ay tinatrabaho, pinagpapawisan, panaghihirapan gaya ng saad ng Diyos sa Bibliya. Ang pamimigay ng pera ay pagpaparami ng mga maralitang tao. Nililinang ang pagiging palaasa (dependency mentality) nila at lalo lang silang naghihirap. Ang sabi nga ng isang salawikaing Chino, “Give a man a fish, you helped him for one day; teach him how to fish, you helped him for a lifetime.” (Bigyan mo ng isda ang isang tao at tinu- lungan mo siya ng isang araw; turuan mo siyang mangisda, tinulungan mo siya habambuhay).
Sa aking pakikipag-usap sa isang opisyal ng DSWD, nabigkas ko ang aking pagtutol sa PPPP. Ang sabi ko, mas magandang programa sana iyong bigyan ng trabaho ng gobyerno ang mga walang trabaho, at pagkatapos ng trabaho, saka bigyan ng suweldo. Ang programang ganito ang tumatalima sa kalooban ng Diyos, at binibigyan natin ng dangal ang mga mahihirap. Ang sabi ko, ang dami-daming puwedeng ipagawa sa mga walang trabaho. Ang daming mga bundok ay kalbo na. Bakit hindi mag-replanting program? Ang dumi-dumi ng mga ilog at estero ng Maynila; nagbabara sa dami ng basura, at nagreresulta sa pagbabaha taon-taon.
Bakit hindi mag-arkila ng milyon-milyong mga Pilipinong walang trabaho at pagtanimin sa mga kalbong bundok o paglinisin ng mga ilog at estero, at saka suwelduhan. Maraming puwede pang ipagawa para gumanda ang Pilipinas at maging tunay na “It’s more fun in the Philippines.”
Natutuwa ako na sa aming LGU; may “cash for work” program ang gobyerno. Inaarkila ng gobyerno ang mga walang trabaho, pinagre-replanting ng mga bundok, pinaglilinis ng mga ilog, at pinagagawa ng mga kalsada at tulay. Pagkatapos ay sinusuwelduhan ang mga manggagawa. Masaya ang mga tao dahil nagkaroon sila ng marangal na trabaho, masaya ang gobyerno dahil nakalikha sila ng maraming employment, at masaya ang taumbayan dahil gumanda ang kanilang kapaligiran at nabawasan ang krimen sa lipunan. Sang-ayon ako sa cash for work program; ito ay umaayon sa kalooban ng Diyos.
vvv
(Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang Youtube Channel “PASSION FOR PER- FECTION Inc.” Paki- bisita po at mag-sub- scribe. Salamat.)