TUNULIGSA ni Sen. Nancy Binay ang nangyayaring pagtututuan sa nabunyag na resort sa Chocolate hills sa Bohol.
Hindi aniya tama ang ginagawang paghuhugas -kamay at pagsisisihan kaugnay sa kontrobersiya sa pagtatayo ng resort.
Pinuna rin niya ang kaliwat kanan na paglalabas ng memorandum orders ukol sa mga paglabag, hindi pagsunod, pagpapasara at kanselasyon kaugnay sa Captain”s Peak Resort sa bayan ng Sagbayan.
Ngunit sinabi ni Binay na dapat malaman kung sino ang may pagkukulang dito.
Ani Binay, chairman ng Senate Committee on Tourism na hindi na maibabalik ng closure order ang napinsalang kalikasan.
Iginiit niya na sa naidulot na pinsala sa pagpapatayo ng naturang resort ay kailangan na may managot.
Nabanggit pa nito ang pag-amin ng lokal na pamahalaan ng Sagbayan na noon lamang nakalipas na Miyerkoles nag-abiso ang DENR ukol sa boluntaryong pagsasara ng resort. LIZA SORIANO