TUTOK COVID-19 NG BARRM EXEC PINURI NG FRONTLINERS

PINURI ng mga frontliner sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mga accomplishment ni Minister Safrullah M. Dipatuan para mapagbuti ang health care system ng rehiyon sa gitna ng pandemic.
Nagpakilala ang mga frontliner mula sa region’s rural health unit sa panahon ng implementasyon ng ARMM.
Kinilala nila ang commitment ni Dipatuan sa good governance and transparency na nagbigay-daan upang makatanggap ang rural health workers ng midyear bonus, clothing allowance, at hazard pay sa unang pagkakataon.
“Facing the pandemic as frontliners, we were never failed by our beloved minister,” opisyal na pahayag ng frontliner from Marawi City.
“The given allowances [inspire] us frontliners to work harder and give our best [to reciprocate] the hard work of our minister,” dagdag nila.
Sa isang Facebook page, nai-post ng Tamparan Rural Health Office ang mensaheng: “No words can explain our gratitude for having you as our leader especially in this trying times. [Receiving] our salaries is a big honor, but with midyear bonus and clothing allowance- wow! It’s something we never expected.”
Bukod sa bonuses at allowances ng healthcare workers, ipinatupad ni Dipatuan ang regularization ng daan-daang mid-wives na katuwang ng mga frontliner sa giyera laban sa CO­VID-19 kung saan nasagot ang problema sa kakapusan ng health workers sa mga barangay particular sa mga isla na sakop ng BARRM.
Pinanindigan ni Dipatuan ang garantiya na makakaabot sa kasuluk-sulukang komunidad ang karagdagang pondo para sa mga RHU.
Noong nakaraang buwan, naglaan ang Ministry of Health ng dagdag na P10 million para sa provincial at city health offices bilang suporta sa health facilities’ operating expenses sa gitna ng COVID-19 crisis.
“We are happy to note that immunization, pre-and post-natal checkups, FP counseling, distribution of FP commodities, and the provision of modern FP birth-spacing methods and many other health services continue across the Bangsamoro region,” wika ni Dipatuan.

Comments are closed.