TUTUBAN-MALOLOS RAILWAY DEAL NILAGDAAN NG DOTR, JAPANESE FIRMS

TUTUBAN-MALOLOS RAILWAY DEAL

LUMAGDA ang Department of Transportation (DOTr) sa isang kontrata sa Japanese firms para sa produksiyon ng mga train para sa bagong riles mula Tutuban sa Manila hanggang Malolos sa Bulacan.

Ang proyekto ay initial phase ng Metro Manila–Clark railway system.

Ang bagong 37.6-kilometer railway ay inaasahang magpapa­ikli sa biyahe sa pagitan ng Tutuban at Malolos sa 35 minuto lamang mula sa kasalukuyang isa’t kalahating oras.

Pinangunahan ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang formal contract signing para sa proyekto kasama ang Japanese compa-nies Sumitomo Corp. at  Japan Transport Engineering Company.

Saklaw ng kontrata ang produksiyon ng 13 trainsets, kung saan ang bawat trainset ay may 8 cars o 104 coaches sa kabuuan.

Isang prototype ng train, na kayang magsakay ng 2,242 pasahero, ang iprinisinta sa mga miyembro ng media.

“This is the reason why we are all here today—to sign an agreement where the trains you see, the prototype you see, will come into fruition by 2021. The first agenda is to come to an agreement and principle that we will strive to work together so that we will realize the Tutuban to Malolos route by the end of 2021,” ani Tugade.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P12.1 billion at po­pondohan ng Japan International Cooperation Agency.

Umaasa si Tugade na made-deliver ang first batch ng trains para sa  Tutuban-Malolos segment sa third quarter ng 2021.

Comments are closed.