NAGSALITA na ang pamoso at iginagalang ng Chinoy community, ang civic leader na si Teresita Ang-See, kaugnay sa imbestigasyon ng Senado sa umano’y illegal POGO sa Bamban, Tarlac.
Ayon kay Ang-See, zarsuela na ang imbestigayon dahil sa isyu ng POGO, nalihis na ang pagdinig at puntirya ang drama ng buhay ni Mayor Alice Guo.
Aniya, “POGO to Guo” ang itinatakbo ng imbestigasyon.
Sinabi ng civic leader na dahil sa pagbusisi sa mg dokumento ay nadadamay pa ang ibang ahensiya kaya sa halip na matukoy ang tunay na mali sa pagpayag sa ilegal na aktibidad, naiiba na ang narrative ng pagdinig.
Maging ang umano’y pakikipagrelasyon ni Guo ay pilit pang hinahalukay.
Dahil sa rami ng sideways, tumatagal ang imbestigasyon habang mistulang aliw na aliw ang publiko sa drama ng buhay ng mayora.
Giit ni Ang-See, hindi sila tutol sa hakbang ng Senado na batid nilang para sa ikabubuti ng lahat, subalit hindi dapat ilayo ang imbestigasyon sa tunay na isyu at kung may nagawang mali ay iyon ang ituwid.