TUTUKAN ANG KAPAKANAN NG MAYORYA

KAPURI-PURI ang pamahalaan, lalo na ang mga mambabatas at law enforcement agencies sa magkasunod na tagumpay na kunin ang kustodiya nina dismissed Bamban Mayor Alice Guo at Apollo Quiboloy.

Ito ay upang bigyan ng tiyansa ang dalawang personalidad na linisin ang kanilang mga  sarili sa mga akusasyong ibinabato sa kanila.

Ngayon ang malaking hamon ay nasa mga huhusga kaya dapat ipa­nalangin ng lahat ang mahusay at tamang desisyon.

Awat na tayo sa haka-haka at ha­yaang gumulong at maipatupad nang tama ang batas.

Sa ngayon, dapat pagtuunan ng pansin ang kapakanan ng mayor­yang Pinoy.

Kaligtasan sa sakuna dahil sa kalamidad, seguridad sa masasamang tao, matatag na presyo ng bilihin, accessible na healthcare system, matatag na tranaho at de kalidad na edukasyon.

Tandaan na pumasok na ang ‘ber’ months at marami ang nag­hahangad ng masayang Pasko at masaganang pagsalubong sa Bagong Taon.

May trauma na ang lahat sa biglang pagsirit ng presyo ng bilihin noong December 2021 kaya sana ay hindi ito maulit.

Lalo na’t may banta pa rin ng El Niña.

Easy na muna sa isyu nina Guo Quiboloy, ang kapakanan naman ng sambayanang Pilipino ang tutukan.