TUUUBBIIGGGG!!!

edwin eusebio

Kalagitnaan pa lang ng Marso ang suplay ng Tubig ay Namemeligro.

Marami nang mga Distrito, Pila-Balde ang mga tao.

Ang tanong ngayon ng marami bakit nagkaganito?

Ganun na nga ba ang epekto ng tag-init dala ng El Niño?

 

Sabi nga ng mga kababayan…Mawalan na ng masarap  na Ulam,

Huwag lamang ang Tubig na lubhang kaila­ngan…

Dahil Mamamaho ang marami-madudugyot ang kapaligiran,

Tubig ang gamit na pang Hugas, maging sa Labahan!

 

Ngayon ang Krisis sa tubig ay nais na rin paimbestigahan,

Matatalinong Kinatawan doon sa Pambansang-Batasan.

Anila mayroon daw dapat na papanagutin sa kakapusan

Kahit pa ang tubig ay Likas na Biyaya ng Diyos na MayLalang!

 

Marahil ang dapat ay pag-isipan ng lahat…

Bakit ba tumindi ang kakapusan ng tubig

kahit mundo ay balot ng dagat?

Malinaw ang sagot para sa lahat.

 

Naging Pabaya ang mga tao, walang habas sa pagkakalat.

Polusyon ay laganap kahit saan ay talamak.

Sumabay pa ang matinding init dulot ng El Niño

Mga Dams ay bumabaw, ipon na tubig ay hindi sapat.

 

NAWA ANG DIYOS AY MAAWA, TAG-ULAN AY IBUHOS NA… AGAD!



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.