BENGUET – UPANG maging ligtas ang mga turista, ipinagbawal na ng lokal na pamahalaan ang mga sasakyan sa Session Road tuwing linggo sa Baguio City.
Nag-umpisang ipatupad ang patakaran nitong Linggo, Agosto 18, alinsunod sa utos ni Mayor Benjamin Magalong.
Ang Session Road ay kilalang kalsada sa Baguio kung saan ay ‘tambayan’ ng mga dayo sa lungsod at nalilibutan ng iba’t ibang kainan.
Simula alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi ay pinagbabawalan ang mga sasakyan na dumaan sa Session Road nang maraming turista ang makapag-enjoy sa sentro ng lungsod. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.