TV HOST ACTRESS SILENT MILLIONAIRE NA

BLIND-ITEM

W OW! Kaunti na lang at lume-level na ang talent fee ng TV host actress sa mas senior sa kanyang bigentra eksena stars sa TV network na kanyang ki­na­bibilangan.

Kung ang mga nauna sa kanyang artista at host na pare-parehong goldmine ng istasyon ay binabayaran ng P3 million per month, ang tinutukoy nating actress ay P10 milyon naman daw ang bayad per year sa nag-iisang show niya sa network na napanonood araw-araw.

Sabi ay limang milyon lang ang lamang ng reyna ng show sa said actress host at marami raw ang insecure dito. Kahit malaki na ang kanyang kita sa kanyang TV career ay ratsada rin si magandang married actress sa kaliwa’t kanang product endorsements na ang TF nito bawat TV commercial ay 3M hanggang 4M.

Sa dami ng pera nito sa bangko at investments ay silent millionaire na maituturing ang sikat na celebrity na kasalukuyang may palabas na pelikula.

RADIO PERSONALITY/BUSINESS CONSULTANT

RON MERK, TODO SA MALALAKING ACTIVITIES

BILIB naman kami sa aming kasamahang radio personality sa DWIZ, Todong Lakas at mahusay na business consultant na si Ma’am Ron Merk, na partner in life ng OPM artist na si Richard Merk. Pagpasok pa lang kasi ng June ay sunod-sunod ang malala­king events na parte siya, tulad ng katatapos lang na CEO Excell Awards 2018 kung saan isa sa naging awardee (IABC CEO) ang presidente ng Business Mirror at Citystate Savings Bank na si Sir Benjie Ramos. Last year ay nabigyang parangal din ang aming popular boss na si Sir Edgard Cabangon na kasalukuyang chairman ng ALC Group of Companies.

Pinakamataas na award ang tinanggap ni Sir Edgard sa nasabing award-giving body sa larangan ng negosyo. By the way, halos araw-araw ay may mga ka-meeting itong si Ma’am Ron lalo’t siya ang pinagkakatiwalaang business consultant ng malala­king bangko sa Pinas tulad ng  Bank of the Philippine Islands at Veterans Bank. Last month ay isa rin ang radio anchor (Merk) ng “In The Heart Of Business” with Ms. Marou Sarne, Bong Osorio, at Senator Cynthia Villar sa mga naging producer ng hit concert ni Stephen Bishop sa Resorts World Manila kung saan isa sa naging guests dito ay ang hubby niyang si Richard, na favorite artist performer din ng PAGCOR Casino Filipino.

ALDEN RICHARDS TULOY-TULOY ANG PAGIGING GENEROUS

ALDEN-RICHARDS
Alden Richards

MATAGAL nang nagsi-share ng kanyang blessings sa mga studio audience nila sa Eat Bulaga si Alden Richards. At noong Sabado, naantig ang damdamin ng Pambansang Bae sa lolang 80 years old na nabunot na winner sa Sugod-Bahay segment sa “Juan For All, All For Juan!”

Sa panayam sa matandang babae, nabanggit niyang naghuhugas siya ng plato sa isang karinderyang katabi ng tinitirhan niyang Barangay at binibigyan siya nito ng P100 kada araw. “Dahil may lola rin akong kagaya ninyo, ay ako na ang sasagot sa buwan-buwang allowance po ninyo para hindi na kayo maghugas ng pinggan,” pahayag pa ng mabait na si Alden. At siyempre tuwang-tuwa ang nasabing lola sa good news na ito ni Alden lalo’t nag-iisa lang siya sa bahay at hindi kasama roon ang dalawa niyang anak. Well, ngayon ay hindi na siguro tayo magtataka kung bakit sobrang blessed ng ating Panginoon ang actor/singer/host.

Comments are closed.