UNDER suspicion ang isang sikat na TV/movie personality na supposedly ay isa raw sa mga pangunahing suki ng natimbog na drug pusher.
Nakita raw kasi ng mga pulis ang pangalan at contact numbers ng sikat na celebrity sa cellphone ng natokhang na pusher.
Dahil dito, may ongoing speculation na may advisory raw ang isang unibersidad sa kanilang mga atleta na layuan nang mga ito ang sikat na TV/movie personality.
Pero ang sabi naman, hindi raw nagdodroga ang nasabing personalidad kaya handa itong magpa-drug test any time.
Ang sabi naman ng mga intrigero, hindi raw talaga nagdu-droga ang personalidad dahil ang mga ombreng kaeksena lang niya ang pinatitikim niya ng droga. Hahahahaha!
True kaya ito?
Anyway, malakas ang speculation na namumudmod daw ng droga ang celebrity sa mga nakalalandian niyang mga atleta.
Kaya nga raw may bagong lovelife na ang sikat na personalidad para matigil na ang bulung-bulungang suki siya ng mga ipinagbabawal na gamot. But through it all, nanatili pa rin siyang nasa listing ng Top 3 na bumibili nang bawal na gamot.
Anyway, there’s a new twist to this story.
True raw na magkakilala ang natokhang na drug pusher at ang sikat na personalidad pero hindi raw droga ang inaalok ng pusher na natokhang kundi mga ombreng papable. Hahahahaha!
Mga foreign models daw na karamihan ay banyaga ang sinu-supply ng bugaling na natokhang. Hahahaha!
What his friends are pretty scared about is that what if the list of the drug users would include the famed celebrity?
Ano raw kayang damage control ang gagawin ng TV network?
Well, there is nothing that money can’t buy.
‘Yun nah! Hahahaha!
MANAGER NI MAINE MENDOZA NAGULAT
SA 1B GROSS EARNINGS NG KANYANG ALAGA
NA-AMUSE si Rams David when asked about the ongoing speculation that Maine Mendoza’s supposed earnings for last year amounted to more than a cool 1 billion peso (PHP 1.2B).
At first, mum is the word ang kanyang drama pero sa kapipilit ng ilang press, nagsalita na rin siya. Ang sabi niya, wala naman daw makapaglalabas ng figures.
Not even BIR for that matter.
Ang ginagawa raw ng BIR ay nagra-rank sila but they will never release official figures. May nagpapakalat daw kasi ng fake news kung saan number one supposedly sa listahan si Maine as the country’s highest earners at pangalawa lang dito si Daniel Padilla.
Maaaring number one raw sa list si Maine pero walang eksaktong figures dahil wala ngang maaaring maglabas nito sa publiko.
Samantala, kinumpirma raw ni Rams na naka-schedule na gumawa raw ng dalawang pelikula this year ang kanyang alaga.
Malamang daw na festival movie ‘yung isa at before the festival naman ‘yung isa.
Nang tanungin ng press si Rams kung ano ang magiging reaksyon niya in the event na magpaalam na si Maine sa kanya at sabihing mag-aasawa na ito, wala naman daw siyang reklamo dahil karapatan ng bawat babae ang ikasal, lumigaya at magka-pamilya.
Pero kung siya ang tatanungin, sana raw ay mag-enjoy muna si Maine sa kanyang career. Pero kung saan daw siya masaya, ‘di niya ito hahadlangan.
HINDI RAW KA-LEVEL!
MAY mga namumuong speculation na kaya raw dinedma nang sikat na young actor ang tawag ng gwapo at tisoy na aktor sa kabilang network ay dahil ang feeling daw niya ay hindi niya ka-level ito.
No wonder, maganda ang treatment niya sa singer/actor na kasama niya sa isang beer commercial dahil sa mataas ang respeto niya rito.
Hindi nga ba’t there was a time na tinalbugan siya nito popularity-wise sa network na kanilang pinagtatrabahuan?
Anyway, isa pang anggulo ay nagseselos daw ang young actor sa flawless at gwaping na aktor dahil afraid raw siyang mag-fall rito ang kanyang dyowa. Hahahahaha!
No wonder, may-I-go agad siya sa location kung saan nagsu-shoot noon ang kanyang dyowa at ang tisoy na aktor. Ganu’n nga ba ‘yun?
Ma! Hahahahaha!
Follow me at my Twitter Account Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.