NAKAKATATLONG show na ang TV personality at former actress na si Marissa del Mar. Ito ay ang “Up Close And Personal” sa IBC-13, “Buhay OFW” sa Aksyon TV ng TV 5 at “World Class Kababayan” sa GMA News TV.
Sa field of business naman aside sa pagiging isang realtor ay naging beauty ambassador si Marissa ng Japanese brand Fucoidan supplements for 10 years at nagbukas siya ng Fucoidan Wellness Center dahil bilib siya at naniniwala sa produktong ito. Naging beauty ambassadress din ang nasabing TV host ng international brand Black Pearl Prestige skin care beauty products.
Ngayon ay si Marissa rin ang brand ambassador ng bagong bukas na jewelry store na Chanti Gem, na located sa 2nd floor ng Ayala Mall, Manila Bay Macapagal Ave. at ang anak na nagtapos ng Bachelor of Arts for Communication na si Princess Adriano ang namamahala nito.
May ilang celebrities at socialite na ang parokyano nila at ang good news ni Princess na malapit na ring pasukin ang showbiz ay malapit nang mabili sa Chanti Gem ang jewelry items na friendly for everybody, ibig sabihin affordable. May ibang pieces of jewelry kasi rito na pang-rich at malalaking suweldo na makaka-afford pero worth it naman daw dahil sa kanila mo lang makikita ang hinahanap mo especially ang rarest stones like emeralds, rubies and precious tourmaline gems. At sila rin ang exclusive distributor ng Elephant Bracelet in the Philippines.
DOVIE SAN ANDRES BILIB SA SAWYER BROTHERS
BUKOD sa idolo ng controversial social media personality na si Dovie San Andres sa pagkanta ang Sawyer Brothers na sina Kervin at Kenneth na type niya ang songs ng magkapatid na 45(Kwarenta Singko) at hindi pa napo-promote na “Ghosting.” Hanga si Dovie at puring-puri niya sina Kervin at Kenneth sa pagmamahal ng dalawa sa kanilang Mom Evelyn and their Dad na matagal na nagtrabaho sa bansang Saudi Arabia.
Kapag walang gig o hindi busy sa kanilang work sa ay nakikipag-bonding ang mga ito sa kanilang mga magulang tulad ng kumain sa labas o kaya manood ng sine. Seryoso sina Kervin at Kenneth na gawin ang lahat para matupad nila ang pangarap na makilala in the future sa music industry lalo’t nagkaroon na sila ng magandang exposure sa katatapos lang na MUSIKO na napanood ng one season sa INC-TV. Recently, nakipag-meeting sila sa kilalang composer na si Archie D na composer ng “Mahal na Mahal” ni Sam Concepcion na may mahigit 44 million views na sa YouTube.
RYZZA MAE DIZON AT BAEBY BASTE PINANGGIGILAN SA EB SHOW SA DUBAI
MARAMING fans sa Dubai sina Ryzza Mae Dizon at Baeby Baste at isa sa most applauded ay ang number na kasama sila ng co-EB Dabarkads sa performance nila sa
Dubai World Center. Isinisigaw talaga ang pangalan ni Ryzza at Baste na pinanggigilan ng mga kababayan natin sa Middle East. Maraming nagpa-photo op sa dalawang batang host ng EB. Well, parehong talented naman kasi at jolly kaya hindi kataka-taka kung kinaaliwan din sila sa Dubai na majority ay nanonood araw-araw ng Eat Bulaga na dalawa sa favorite segments ay ang Juan For All, All For Juan na nasa Barangay APT na at Prizes
All The Way!
Comments are closed.