NAMAHAGI ang Department of Health (DOH)– Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ng mga 32” LED Television sets sa mga evacuation center sa Sto. Tomas at Tanauan, Batangas, kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga residenteng naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal upang mabawasan ang emotional at mental stress na pinagdaraanan ng mga ito.
Ayon kay DOH Regional Director Eduardo Janairo, dumaranas ng emotional at mental stress araw-araw ang mga evacuee habang nasa evacuation center ang mga ito kaya’t nais aniya nilang matulungan sila na mabawasan man lamang ang kanilang mga alalahanin sa pamamagitan ng paglilibang.
“People in evacuation centers are suffering from emotional and mental stress daily while they remain in their makeshift shelters awaiting to return to their homes while others have nothing to go back to due to the damage to their properties caused by the Taal eruption. ‘Yung sobrang pag-iisip dahil sa nangyaring kalamidad kadalasan can cause anxiety disorders at depression,” ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, nang isagawa ang pamama-hagi ng mga TV sets mula Enero 20 hanggang 21.
“This tv sets were given to further strengthen the on-going mental health and psychosocial support and lessen the burden of depression to evacuees. It is equipped with flash drives containing popular value-laden stories for children, videos for physical fitness, health infomercials promoting proper hygiene, oral health care and other tips in maintaining good health and proper nutrition for preventing the onset and spread of diseases,” aniya pa.
Ipinaliwang pa ni Janairo na hindi lang ito para sa information dissemination, dahil maaari ring magamit ng mga evacuees ang mga naturang TV sets para sa recreation at entertainment pleasure upang mabawasan ang kanilang nararamdamang lumbay at makapagbigay sa kanila ng pag-asa.
Nabatid na anim na sets ng LED TV ang ipinamahagi ng DOH-Calabarzon sa evacuation centers sa PUP-Sto.Tomas Campus, Main Evacuation Center Barangay 3 (two sets), General Malvar Memorial School at Paaralang Elementarya ng San Antonio sa Sto. Tomas City.
Apat na LED TVs naman ang ipinagkaloob sa evacuation centers sa Pagaspas Elementary School, Pantay Matanda, Pantay Bata at Bagumbayan sa Tanauan City.
Iniulat rin naman ni Janairo na kabuuang 165 LED TV sets ang idedeliber at ilalagay sa mga natukoy na evacuation centers bilang bahagi ng innovative ways ng DOH na isulong ang health information at dissemination, lalo na sa mga kabataan.
Nabatid na hanggang nitong Enero 21, 2020, ang Regional Health Emergency and Management System ay nakapagtala na ng kabuuang 35,644 pamilya o 140,614 indibiduwal na naninirahan sa may 480 evacuation centers sa Calabarzon. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.