TVET NG TESDA LIBRE NA SA STVIs

TESTDA-TVET

WALA nang bayad ang technical vocational education and training (TVET) programs ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa lahat ng mga state-run technical-vocational Institutions o STVIs.

Ang STVIs ay kinabibilangan ng state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs), TESDA Technology Institutions (TTIs), at LGU-run training centers na nag-aalok ng mga training programs sa ilalim ng TESDA Unified TVET Program Registration and Accreditation System (UTPRAS).

Ang Republic Act No. 10931 o kilala rin bilang UAQTEA, ay naglalayon na magbigay ng libreng tuition at iba pang school fees sa mga SUCs, LUCs at STVIs, magtatag ng Tertiary Education Subsidy and Student Loan Program (SLP), patatagin ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) at paglaan ng pondo para rito.  Ang nasabing batas ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong April 3, 2017 na epektibong ipatutupad sa academic year 2018-2019.

Ayon kay Mamondiong, ang programa ay bukas sa lahat ng mga Filipino, kaya ang sinumang gustong mag-avail ay maaaring magtungo lamang sa mga kalapit na STVIs na may TVET programs na rehistrado sa TESDA.

Bibigyan ng prayoridad ang mga mag-aaral na mula sa updated na Listahan (National Household Targeting System for Poverty Reduction), ang mga pinakamahirap, ulila, dependents ng informal settlers, rebel returnees/dating mga rebelde, rehabilitated drug dependents at kanilang pamilya, Indigenous Peoples (IPs), Persons with Disabilities (PWDs), construction workers, internally displaced population (IDPs o bakwit), dependents ng AFP/PNP Personnel Killed-In-Action (KIA) o Wounded-In-Action (WIA), at mga pinauwing mga OFW at kanilang pamilya.

Ang mga benepisyong matatanggap ay ang mga sumusunod: living allowance (P160/day), instructional materials allowance (P5,000/qualification), National Competency Assessment, starter toolkit at accident insurance.

Nilinaw naman ni TESDA Director General Guiling “Gene” A. Mamondiong na ang nasabing programa ay hindi pa bukas sa mga katuwang na private technical vocational institutes at maaari itong buksan sa susunod na school year.  BENJARDIE REYES

Comments are closed.