TVJ WAGI VS TAPE INC., GMA 7

Muling na­naig ang magkukumpareng Tito, Vic & Joey (Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon o TVJ) laban sa TAPE Inc. at GMA Network na nagpipilit makuha sa kanila ang titulong “Eat Bulaga.”

Kinatigan kasi uli ng Court of Appeals (CA) ang TVJ laban sa apela ng TAPE at GMA na mapasakamay nila ang trademark ng “Eat Bulaga.”

Kaugnay pa rin ito ng copyright infringement case at unfair competition laban sa TAPE at GMA 7 dahil sa pag-ere ng kanilang noontime show gamit ang titulong “Eat Bulaga”.

Ang TAPE ay production company nina Romeo Jalosjos Sr. at Tony Tuviera. Blocktimer sila sa GMA7 para sa original na noontime show na “Eat Bulaga” na umabot ng 44 years sa ere. Ang TVJ ang nakaisip ng title na “Eat Bulaga” at sila rin ang nag-compose at kumanta ng theme song nito noong kasikatan nila bilang group singers na VST & Co. at ang iconic na Tito, Vic & Joey.