TWICE-TO-BEAT BONUS SA BOLTS

NAKOPO ng ­Meralco Bolts ang twice-to-beat bonus sa quarterfinals makaraang dispatsahin ang Phoenix Fuel Masters, 109-90, sa huling araw ng elimination round ng the PBA Governors’ Cup kahapon sa Araneta Coliseum.

Nagbida si import Tony Bishop para sa Bolts na may game-high 35 points, na sinamahan ng 13 rebounds at  5 assists, habang nagdagdag si Allein Maliksi ng 27 points

Sa panalo ay nakatabla ng Bolts ang San Miguel Beermen sa 7-4 kartada at kinuha ang No. 4 spot sa quarterfinals.

“The win is really important because we lost our last three games,” sabi ni winning coach Norman Black.

“And of course when you’re losing, your confidence takes a hit so we really had to try to rebuild our confidence going into this game today, knowing that we would have a twice-to-beat advantage if we won despite the fact we lost three straight,” dagdag pa niya.

Nanguna si Du’Vaughn Maxwell para sa Fuel Masters na may 26 points at 12 rebounds, habang nagdagdag si  RJ Jazul ng 16 points.

Nagtala rin si Matthew Wright ng double-double na 13 points at 10 rebounds, subalit nahirapan sa field, at tumapos na may 5-of-19 shooting clip para sa Fuel Masters, na tinapos ang elimination round na may 5-6 rekord. CLYDE MARIANO

Iskor:

Meralco (109) – Bishop 35, Maliksi 27, Hodge 14, Quinto 11, Banchero 8, Newsome 7, Black 3, Almazan 2, Pasaol 2, Belo 0, Canete 0, Caram 0.

Phoenix (90) – Maxwell 26, Jazul 16, Wright 13, Perkins 12, Rios 11, Manganti 5, Garcia 4, Demusis 3, Melecio 0, Salva 0, Porter 0.

QS: 37-28, 56-55, 88-68, 109-90.