Mga laro sa Sabado:
(Smart Araneta Coliseum)
10 a.m. – UP vs UE (Men)
12 noon – UP vs UE (Women)
4 p.m. – UST vs DLSU (Men)
6 p.m. – UST vs DLSU (Women)
DINISPATSA ng National University ang Far Eastern University, 25-21, 25-19, 25-22, upang kunin ang unang twice-to-beat slot sa UAAP women’s volleyball Final Four kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Tinapos ng Lady Bulldogs, ns target ang ikatlong sunod na Finals stint, ang eliminations na may 12-2 record.
“Modesty aside, siguro medyo nasa tamang timing lang kami. Pero hindi kami puwedeng mag-relax,” sabi ni coach Norman Miguel.
Pag-aagawan ng University of Santo Tomas, na nanguna sa malaking bahagi ng season, at defending champion La Salle, ang nalalabing semiw bonus sa huling araw ng eliminations sa Sabado.
Ang Lady Tamaraws ang magiging fourth-ranked team sa Final Four, kung saan makakaharap nila ang Tigresses o Lady Bulldogs. Ang Lady Spikers ay magiging No. 2 kapag nanalo sila sa Tigresses at mahuhulog sa No. 3 kapag natalo.
Nanguna si Alyssa Solomon para sa NU na may 13 points at 8 digs, nakalikom si Bella Belen ng 12 kills, 8 receptions at 6 digs, habang nagdagdag si Vange Alinsug ng 11 points, 8 digs at 5 receptions.
Nagtala si setter Camilla Lamina ng 14 excellent sets habang solid din si libero Shaira Jardio para sa Lady Bulldogs na may 16 receptions at 11 digs.
“Masaya kami we finished the second round well. Kami ang mindset namin after this last game ng elimination, doon pa lang talaga magi-start yung totoong laban eh,” sabi ni Miguel.
Nauna rito, naiposte ng Ateneo ang ika-5 panalo sa season, isang improvement mula sa four-win campaign noong nakaraang taon sa 25-13, 25-17, 25-21 pagwalis sa Adamson.
“I’m so happy because this is our last match and the team played very well,” sabi ni Blue Eagles coach Sergio Veloso.
“We cannot progress further, but we maintained our position in fifth place, which is better than last year,” dagdag ng Brazilian mentor.
Kumana si Lyann de Guzman ng 14 kills habang nakakolekta si libero-captain Roma Mae Doromal ng 9 digs at 6 receptions sa kanyang final game para sa Ateneo.
“Staying sa kanila, nakita ko yung purpose ko na i-help sila. ‘Yun siguro ang pinaka-success for me na-help sila na mag-grow sa bagong system,” sabi ni Doromal, na aakyat na sa pro.