TWICE-TO-BEAT INCENTIVE SA LADY EAGLES

Lady eagles4

Mga laro sa Sabado:

(Filoil Flying V Centre)

8 a.m. – DLSU vs UP (Men)

10 a.m. – UE vs UST (Men)

2 p.m. – UST vs NU (Women)

4 p.m. – AdU vs UP (Women)

PINISAK ng Ateneo ang sibak nang Adamson University, 25-16, 28-26, 25-17, upang kunin ang twice-to-beat semifinals incentive sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Matapos ang block-less outing sa kanilang huling laro, nagsipag ang Lady Eagles sa net defense upang iangat ang kanilang record sa 11-2.

Nalusutan ang isa sa mga ba­lakid sa pagkuha ng semifinals bonus, sinabi ni Ateneo coach Oliver Almadro na patuloy ang kanilang pagkayod.

“Ang sabi ko sa mga players, it is a chance. It is a great opportunity to get that twice-to-beart and we have a chance of making it to the Finals. But we really need to work hard for it to have that chance. Kapag dumating ang opportunity na iyan, we have to be ready,” wika ni Almadro.

Tumipa si Kat Tolentino ng 17 points, kabilang ang limang blocks, habang kumana si Maddie Madayag ng 3 blocks para sa 13-point effort para sa Lady Eagles, na nalusutan ang matikas na pakikihamok ng Lady Falcons sa  second frame.

Nauna rito, lumapit ang defending champion De La Salle sa pagkopo ng isa pang twice-to-beat incentive sa Final Four sa pamamagitan ng 25-17, 25-16, 25-19 pagdispatsa sa also-ran University of the East.

Nanguna sina rookie Jolina dela Cruz at Aduke Ogunsanya sa scoring para sa Lady Spikers na may 10 points habang gumawa si Michelle Cobb ng 23 excellent sets na may 3 points.

Tangan ngayon ng De La Salle na may 10-3 kartada ang one-game cushion laban sa  third-running University of Santo Tomas para sa isa pang semis incentive.

Laban sa Lady Warriors side na wala si second offensive option Meanne Mendrez dahil sa tonsilitis, nais lamang ni coach Ramil de Jesus na maging agresibo ang kanyang Lady Spikers sa simula pa lamang ng laro.

“Lagi kong nire-remind ang mga bata na huwag magre-relax because this is a very important game at huwag maging sobrang overconfident dahil nothing to lose ang kalaban,” wika ni De Jesus.

Comments are closed.