Mga laro sa Miyerkoles:
(Aranea Coliseum)
4:30 p.m. – Rain or Shine vs Magnolia
7 p.m. – San Miguel vs Phoenix
MULING humataw si Terrence Jones ng triple-double upang pangunahan ang Talk ‘N Text sa pagkopo ng twice-to-beat playoff bonus sa pamamagitan ng 115-97 panalo laban sa Blackwater sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Nagsalansan ang dating NBA player ng 36 points, 16 rebounds, 14 assists, at 3 blocks upang igiya ang Texters sa ika-7 sunod na panalo at ika-9 sa kabuuan sa 10 laro para sa top overall seed at win-once incentive sa quarterfinals.
Ito ang ikalawang sunod na triple-double ni Jones at ikatlo sa kabuuan upang mapalakas ang kampanya para sa ‘Best Import of the Conference’ award.
Tumipa si Jayson Castro ng 13 points, 10 assists, at 7 rebounds, habang nagdagdag sina Troy Rosario at Roger Pogoy ng 14 at 12 points, ayon sa pagkakasunod, at nagtuwang para sa 10 rebounds para sa TNT.
Nag-ambag din sa panalo ng Texters sina Brian Heruela, na may 12 points at 6 rebounds, at Don Trollano, na nagbuhos ng 11 points at 4 rebounds.
Abante ang TNT ng dalawang puntos lamang, 25-23, matapos ang first quarter bago nila tinambakan ang Elite, 35-20, sa second quarter sa likod ng 11 points ni Jones.
Nagawang tapyasin ng Blackwater ang kalamangan sa single digit sa third quarter subalit ito na lamang ang pinakamaganda nilang nagawa nang mabaon sa hanggang 27 points, 93-66.
Nagbida si Ray Parks para sa Elite, na bumagsak sa 6-4 kartada, sa kinamadang 21 points, 10 rebounds, 5 assists, at 2 steals, habang gumawa si im-port Staphon Blair ng 16 points at 16 rebounds. CLYDE MARIANO
Iskor:
TNT (115) – Jones 36, Rosario 14, Castro 13, Heruela 12, Pogoy 12, Trollano 11, A. Semerad 8, Magat 4, Casino 3, Taha 2, Reyes 0, Golla 0, D. Semerad 0.
Blackwater (97) – Parks 21, Digregorio 19, Maliksi 16, Blair 16, Belo 10, Sumang 4, Alolino 3, Banal 2, Dario 2, Sena 2, Desiderio 2, Cortez 0, Tratter 0, Al-Hussaini 0, Jose 0.
QS: 25-23, 60-43, 91-66, 115-97
Comments are closed.