TWIN BLASTS PASOK SA ANTI-TERROR LAW

Gilbert Gapay

MAGSISILBING acid test ngayon ang pinagtibay na anti-terrorism Act of 2020 ang naganap na twin suicide bombing sa Jolo Sulu na kumitil ng 17 katao kabilang ang walong sundalo, isang pulis, anim na sibilyan at ang dalawang babaeng suicide bombers.

Ayon kay Armed Forces Chief of staff Gen. Gilbert Gapay, pabor  siya sa pagpapairal ng Martial Law sa Mindanao bilang isa sa mga option na kinokonsidera para mabilis na makapagsagawa ng mga pag-aresto at pagtutok sa mga pagkilos ng mga hinihinalang terorista.

“Now have anti-terror law of 2020 which will be put to test since we already have a case now, we had twin blasts, recent twin blast in jolo so we are recommending and proposing implementation of presidential proclamation 55 and as well as implementation of the anti terror law, that’s what we, our immediate action to address immediately the threat of terrorism in Mindanao,” giit ni Gapay.

Gayunpaman, ani  Gapay habang inaantabayan pa nila ang desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagdedeklara muli ng batas militar sa Mindanao ay maari naman gamitin muna ang Presidential Proclamation 55 na nauna ng inisyu ng pangulo noong 2016.

“ What we are proposing is while it is an option, the imposition of martial, what we are proposing is strict implementation of presidential proclamation 55 which is still in effect, if you may recall way back in 2016 the president has issued Presidential Proclamation 55 declaring state of lawless violence in Mindanao and thereby calling the Armed Forces of Philippines to suppress law violence in the area,” diin ni Gapay.

Sinasabing umiiral pa ang PP 55 at kailangan lamang ang mahigpit na implementasyon nito.

Gayundin, binigyang diin ni Gapay na matagal pang proseso ang pagpapatupad ng batas militar kahit na irekomenda ng AFP sa Defense Department at sa Malacanang dahil dadaan pa umano ito sa Kongreso.

Nabatid na isa sa mga balakid sa pagpapatupad ng Anti-terror Law ang kawalan pa ng balangkas sa implementing Rules and Regulation. VERLIN RUIZ

Comments are closed.