‘TWIN KILL’ SA PINOY BOOTERS (Malditas pasok sa semis)

pinoy booter

Mga laro ngayon:

(Biñan Stadium)

4 p.m. – Thailand vs. Singapore (Group B m)

(Rizal Memorial Stadium)

4 p.m. – Laos vs. Brunei vs. Laos (Group B m)

8 p.m. – Vietnam vs. Indonesia (Group B m)

NAITALA ng Filipinas ang ‘twin kill’ makaraang walisin ang Malaysia sa men’s at women’s divisions ng 30th Southeast Asian Games football competition noong Biyernes ng gabi sa magkahiwalay na venues.

Sa pagitan ng dalawang koponan, mas nagningning ang Malditas, sa pangunguna ni striker Sarina Bolden, sa paglampaso sa Malaysians, 5-0, na nagbigay sa kanila ng makasaysayang semifinals slot sa sportsfest sa kanilang unang panalo sa Group A sa Binan Stadium sa Laguna.

Mag-isang binuhat ni Bolden ang Malditas sa pagsilo ng hat-trick sa 24th, 41st at 47th minutes ng first half na nagbigay sa hosts ng 4-0 kalamangan sa  break na nagselyo sa kanilang panalo. Naitala ni Alisha del Campo ang isa pang goal sa 38th.    Kinamada ni fellow striker Eva Madarang ang final goal sa 93rd minute at tinapos ng mga Pinay ang Malaysians, na nalasap ang unang kabiguan.

Ang panalo ay naglagay sa Malditas sa ibabaw ng standings na may four points habang nanatili sa ikalawang puwesto ang walang larong Burmese sa three-team group.

Umusad ang Pinay footballers sa semifinals sa unang pagkakataon sa women’s tourney makaraang mabigong makalagpas sa group stage sa kanilang hu­ling apat na pagsabak sa kumpetisyon mula pa noong 2005 Philippine Games.

Samantala, na­ungusan ng Young Azkals ang Malaysia, 1-0, na nagpaalala sa pagsilat ng bansa sa kanilang katunggali sa parehong iskor, 28 taon na ang nakalilipas sa 1991 Manila SEA Games sa Rizal Memorial Football Stadium.

Naitala ni skipper Stephan Schrock ang winning goal, pinaikot ang kanyang kick mula sa right corner laban sa Malaysian defenders sa 74th minute.

Matapos ang 1-2 loss sa Burmese, dalawang araw na ang nakalilipas, ang Young Azkals ay balik sa semifinal contention sa kanilang unang panalo sa tatlong laro, na naghatid sa kanila sa ikatlong panalo sa Group A  na may four points.

Ibinasura ng Myanmar ang Timor Leste, 3-1, sa iba pang laro upang kunin ang top spot sa grupo na may seven points, habang nasa ikalawang puwesto ang Cambodia na may four points subalit nasa unahan ng Filipinas sa goal difference. Nasa ika-4 na puwesto ang Malaysians na may one point habang walang panalo ang Timorese na nasa ilalim ng standings.

Magkakaroon ng pahabang pahinga ang Young Azkals bago tapusin ang kanilang kampanya kontra Timorese sa Dec. 4.

Comments are closed.