TWITTER ACCOUNT NI TRUMP SINUSPINDE

Tuluyan nang sinuspinde ng Twitter ang personal account ni incumbent President Donald Trump.

Ito ay dahil sa pangambang makapanghimok pa ito ng karahasan kaugnay pa rin ng insidente kung saan nilusob ng kaniyang mga taga-suporta ang U.S. Capitol, habang sinisertipikahan ng Kongreso ang pagkapanalo ni Joe Biden sa 2020 Presidential elections.

Ito naman ang kauna-unahang pagkakataon na nasuspinde ang social media account ng isang lider ng bansa.

Matatandaang lima katao ang nasawi sa naganap na pagsugod ng pro-Trump supporters sa U.S. Capitol. DWIZ882

Comments are closed.