TYCOONS EARLY BIRDS SA TAX PAYMENT

Erick Balane Finance Insider

TILA nasorpresa  ng mga tinaguriang ‘the rich and famous’ si Bureau of Internal Revenue (BIR)  Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay nang maaga ang mga itong nagsipagbayad ng  buwis bago pa man pumutok ang COVID-19 pandemic, na nagpapakita ng kanilang maigting na pagsuporta sa liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

​Base sa Annual Income Tax Return (AITR) ng 1st 500 big-time corporations ng Revenue Large Taxpayers Service (LTS) ng BIR, gumamit ng BIR Form No. 1702 at lumitaw na buwan pa lamang ng Marso at Abril ay nagsipagbayad na ng buwis ang pinakamalalaking korporasyon sa bansa na pag-aari ng mga business tycoon para sa taxable year 2019.

​Ang orihinal na deadline ng bayaran ng buwis ay Abril 15 subalit dahil sa COVID-19 ay na-extend ito ng Mayo 15 kasabay ng extension  ng ECQ sa Luzon at pinalugitan uli hanggang Hunyo 15, 2020.

​Sa tax filers documents ng LTS sa ilalim ng pangangasiwa ni BIR Assistant Commissioner Manuel Mapoy, ang mga tumugon sa panawagan nina Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III at Commissioner Dulay sa maagang pagbabayad ng buwis ay ang BDO Unibank, Inc., Robinson’s Land Corporation, Manila Electric Company, Bank of Philippine Islands, Unilab Inc., Mercury Drug Corporation, Maynilad Water Services, Inc., Metro Card Corporation (a finance company and general institute agency), Globe Telecom, Inc., Philippine Ports Authority, Innove Communications, Inc., Manila International Airport Authority, Citra Metro Manila Tollways Corp., Taganito Mining Corp., Security Bank Corp., Monde Nissin Corp., Eagle Cement Corp., Huawei Technologies Phils, Inc., Phil. Gold Processing & Refining Corp., First Gas Power Corp., Robinson’s Supermarket Corp., Metro Retail Stores Group Inc. – (formerly Valueshop); PFizer, Inc., Phil. Seven Corp., The Manufacturer’s Life Insurance Co. (Phil. Inc), Cebu Energy Developmeng Corp., Masinloc Powers Com. Ltd, South Luzon Tollway Corp. Cebu Air, Inc. at marami pang iba na ang ibinayad na buwis ay hindi muna ibinunyag ng BIR habang wala pang final computations.

​Ang  tax collection target ng BIR at Bureau of Customs (BOC) ngayong fiscal year ay nasa P3.7 trillion, batay sa datos ng Devalopment Budget Coordination Committee (DBCC). Sa medium-term program nito, tinokahan ang BIR na kumolekta ng P2.576 trilyon o mas mataas ng 13.4% kumpara sa nakaraang fiscal year na P2.271 trilyon, habang ang BOC ay P731 bilyon, mas mataas kumpara sa P661 bilyon lamang noong nakaraang taon.

​Nakikipag-ugnayan na rin sa mga negosyante sa kani-kanilang area of responsibility sina Metro Manila BIR Regional Directors Glen Geraldino/Maridur Rosario ng Makati City; Albin Galanza/Romulo Aguila ng Quezon City; Jethro Sabariaga ng City of Manila; at Grace Javier ng Caloocan City  para sa maagang pagbabayad ng buwis.

​Samantala, itinalaga ni Commissioner Dulay sina Marieta Lorenzo bilang assistant commissioer for planning and management service, Elenita Quimosing, assistant commissioner for project management and implementation service; Faith Farochilen, head revenue executive assistant for legal service; Claire Corpuz, assistant regional director sa Quezon City (A); Mary Jane Asuncion, assistant regional director sa San Fernando, Pampanga; at Lordel Monteclaro, assistant regional director sa Legazpi City.

​Hinirang din ni Dulay sina newly-Revenue District Officers Rodel Buenaobra (Novaliches, QC); Anonio Mangubat, Jr. (Calamba, Laguna); Rebe Detablan (Paranaque City); Merlyn Vicente (Las Pinas City); Gil Vinluan (South Nueva Ecija);  Nicanor Ventura (Baguio City); Gerlo Cacatian (Trece Martirez City); Arnel Cosnas (Legazpi City, Albay);  Estrella Manalo (Camarines Norte); Eddie Leo Galera II (East Davao City) at iba pa.

Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].

Comments are closed.