TYSON-JONES FIGHT NAUWI SA DRAW

tyson-jones

NAGBAKBAKAN sina dating heavyweight champion Mike Tyson at dating four-division titleholder Roy Jones Jr. hanggang sa final bell ng kanilang two-minute, eight-round bout tungo sa draw kahapon sa Staples Center sa Los Angeles, California.

Tulad ng kanyang ipinangako ay umatake ang 54-anyos na si Tyson sa kaagahan ng laro, habang ginamit ni Jones ang buong ring para tapatan ito.

Nagbigay si Christy Martin ng iskor na 79-73 para kay Tyson, si Vinny Pazienza ay 80-76 para kay Jones habang si Chad Dawson ay nag-bigay ng 76-76.

“I’m good with that,” sabi ni Tyson,  na kumonekta ng 68 sa 193 suntok  (34.7%), kumpara sa  37 mula sa 236 suntok ni Jones (15.7%).

“The crowd was happy with that.”

Ang pagbabalik sa lona ng dalawang boxing legends ay inabangan ng marami na hindi naman nila binigo makaraang ipakita nila na kaya pa nilang makipagbakbakan.

Comments are closed.