MATAGUMPAY na nabawi ng Japan ang titulo sa Asian Junior Women’s Under-19 Softball Championships makaraang ilampaso ang defending champion Chinese- Taipei, 4-0, sa winner-take-all match sa Clark International Sports Complex sa Pampanga.
Dinomina ng walang talong Japanese and Taiwanese sa pitong innings na laro at muling bumalik sa trono na kanilang hinawakan noong 1997, 2004, 2009 at 2015.
Tinalo ng Chinese-Taipei ang China upang maisaayos ang winner-take-all match sa Japan subalit hindi sila umubra sa Japan upang isuko ang koro-na.
Tumapos ang China sa ikatlong puwesto habang nasa ikaapat na puwesto ang Pilipinas sa eight-team tournament. May pag-asa sanang lumaban ang Blu Girls sa finals subalit yumuko sa China.
Nakalikom ang Japan ng siyam na panalo, dalawa laban sa Chinese-Taipei, upang muling patunayan na sila ang reyna sa softball sa Asia sa torneo na inorganisa ng Softball Confederation Asia, sa pakikipagtulungan ng ASAPHIL, at sinuportahan ng Philippine Olympic Committee.
Bukod sa titulo, kinuha ng Japan ang lahat na individual awards, apat kay Kudo Kanna-MVP, best slugger, most runs batted in at most homeruns – habang napunta kay Iha Nana ang most stolen base at si Okuda Mei ang best hitter. CLYDE MARIANO
Comments are closed.