U.S CARRIER STRIKE GROUP DUMAONG SA PILIPINAS

MATAPOS ang matagumpay na ikalawang Maritime Cooperative Activity (MCA) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Indo-Pacific Command (USINDOPACOM) ay tumuloy sa Pilipinas ang U.S carrier Strike Group 1 para sa isang official port visit.

Sa ulat na ibinahagi ng U.S Embassy mula sa Defense Visual Information Distribution Service, nasa Pilipinas ang Nimitz-class aircraft carrier USS Carl Vinson (CVN 70), ang flagship ng Carrier Strike Group (CSG) 1, ang embarked Carrier Air Wing (CVW) 2, ang guided-missile cruiser USS Princeton (CG 59) at ang guided-missile destroyers USS Kidd (DDG 100) kasama ang USS Sterett (DDG 104) para sa kanilang port visit nitong January . 5, 2024.

Sa inilabas na report, ang port visit ay tanda ng pagpapakita ng matibay na U.S.-Philippine Alliance, at malawak na commitment ng US sa Indo-Pacific region.

Layon din nito na higit pang patatagin ang relasyon sa mga local leaders and communities, at ipakita ang matibay na alyan sa pagitan ng U.S. at Philippines sa loob ng pitong dekada.

“It is a pleasure for the Carrier Strike Group to visit the Republic of Philippines. The U.S. and the Philippines are steadfast friends, partners in prosperity, and ironclad allies,” pahayag ni Rear Adm. Carlos Sardiello, commander, CSG-1.

“Our two countries share democratic values, close cultural ties and our alliance has stood strong for over 72 years. As our oldest treaty ally in East Asia, the Philippines has shown their unwavering commitment in helping secure a free, open, peaceful, and prosperous Indo-Pacific region,” pahayag pa ni RAdm. Sardiello.

Sinasabing ang Port calls ay bahagi ng U.S. Navy’s routine operations, at ang CSG-1 ay committed na panatilihin ang nasabing tradisyon para suportahan ang operational readiness at regional partnerships .

Bago ang ang pagbisita sa Pilipinas ay sumabak muna ang CSG-1sa trilateral maritime exercises kasama ang Japan Maritime Self-Defense Force at Republic of Korea Navy. VERLIN RUIZ