ISINAMA na ng Filipinas ang Estados Unidos sa talaan ng mga bansa na isinailalim sa travel restric1 tions dahil sa banta ng bagong strain ng COVID-19.
Ang travel ban ay magsisimula sa alas-12:01 ng umaga ng Enero 3, 12:01 hanggang Enero 15.
“In this regard, foreign passengers coming from the US, or who have been to the US within 14 days preceding arrival in the Philippines, shall be prohibited from entering the country effective January 3, 2021, 12:01AM, Manila time, until January 15, 2021,” wika ni presidential spokesperson Harry Roque.
Gayunman ay sinabi ni Roque na ang mga pasahero na magmumula sa US, o daraan sa US na darating sa bansa bago ang Enero 3, 2021, 12:01 a.m. Manila time, ay papayagang makapasok sa bansa.
“However, they shall be required to undergo an absolute facility-based 14-day quarantine period, even if they obtain a negative RT-PCR test result,” ani Roque.
Aniya, ang pagdagdag sa US sa listahan ay inirekomenda ng Department of Health (DOH) at ng Department of Foreign Affairs (DFA) at inaprubahan ng Office of the President.
Nauna nang nagpatupad ng travel ban ang pamalaan sa United Kingdom kung saan unang natuklasan ang bagong strain ng virus, kasama ang 19 na iba pang bansa.
Bukod sa UK, ang travel ban ay ipinatutupad din sa Denmark, Ireland, Japa, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada at Spain.
Kinumpirma ng US ang unang kaso ng UK coronavirus variant noong Dis, 30. Ang pasyente na nasa kanyang 20s ay natuklasang may bagong COVID-19 variant kahit hindi ito bumiyahe sa ibang bansa.
Ang bagong uri ng virus ay sinasabing mas mabilis na nakahahawa at iniuugnay sa pagtaas ng kaso ng coronavirus sa England kamakailan.
Inaasahang madaragdagan pa ang listahan ng Filipinas dahil marami pang bansa ang nagkumpirma ng presensiya ng bagong variant sa kanilang mga lugar.
Comments are closed.