TULAK ng makabayang damdamin, nanawagan kahapon (Setyembre 9) si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa kanyang mga kasamahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na suportahan ang alok ng Estados Unidos na eeskortan nito ang resupply missions ng mga barkong Pilipino sa West Philippine Sea.
Sa kanyang privilege speech, tinukoy ni Tulfo ang kahalagahan ng mga pahayag kamakailan ng matataas na opisyal ng Estados Unidos na sina Admiral Samuel Paparo Jr., Chief of the US Indo-Pacific Command, at Major General Pat Ryder, Pentagon Press Secretary, na naglahad ng kahandaan ng US na eskortan ang mga barkong Pilipino sa resupply missions sa pinag-aagawang karagatan.
“The West Philippine Sea remains a critical area of concern due to the ongoing aggressive maneuvers and unlawful maritime activities by the People’s Republic of China (PRC),” ani Tulfo.
Ayon sa mambabatas, sa pag-endorso ng Kongreso na payagan ang US na mag-escort sa mga barkong Pilipino ay mapatunayan na ang mga alyansa sa mga demokratikong bansa ay hindi lamang sa salita o nakasulat lang sa papel kundi tunay na isinasagawa.
“Our decision today is pivotal. We must collectively affirm that the Philippines will not be cowed or coerced. We stand resolute in defending our territorial integrity and rightful claims in the West Philippine Sea,” diin ni Tulfo.
JUNEX DORONIO