U-TURN SLOTS SA EDSA ISASARA

U-turn

PARA sa kaalaman ng mga motorista, isasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang U-turn slots sa EDSA para bigyan daan ang pagpapatupad ng Busway project.

Unang isasara ang sa Setyembre 28 ng alas-12:01 ng madaling araw ang U-turn slot malapit sa Trinoma Mall at North Avenue, Southbound at Northbound.

Bago isara ay maglalagay muna  ang MMDA ng directional traffic signs sa maapektuhang U-turn slot para na rin sa gabay ng mga motorista.

Kung kaya’t mula sa Southbound patungong Northbound maaring gamitin ng mga motorista ang Quezon Avenue service road U-turn slot.

Mula naman ng Northbound patungong Southbound ay maaring dumaan sa Quezon Academy U-turn slot.

Gayundin, ayon kay MMDA chairman Danilo Lim, may ilan pang U-turn slots sa EDSA ang nakatakdang isara para sa pagpapatupad sa EDSA Busway Project upang mas mapabilis ang biyahe ng mga motorista at mananakay.

Kabilang dito, ang U-turn slots sa  De Jesus, Gen. Tinio, Malvar at  Biglang-Awa sa Caloocan City; Balintawak, Kaingin, Landers, Dario Bridge, Walter Mart, Quezon City Academy, Trinoma, Timog at Santolan sa  Quezon City. LIZA SORIANO

5 thoughts on “U-TURN SLOTS SA EDSA ISASARA”

  1. 656020 88020I havent checked in here for some time as I thought it was getting boring, but the last couple of posts are excellent quality so I guess Ill add you back to my everyday bloglist. You deserve it my friend 301053

  2. 129401 615470You produced some decent points there. I looked on-line to the issue and discovered most individuals will go along with along with your internet site. 996110

Comments are closed.