NANATILING walang talo ang Ateneo de Manila University sa UAAP Season 84 makaraang gapiin ang Far Eastern University, 79-70, nitong Martes sa Mall of Asia Arena.
Kumawala ang Blue Eagles sa the third quarter, salamat sa mga ibinuhos na puntos ni Tyler Tio, subalit kinailangang malusutan ang matikas na pakikihamok ng Tamaraws sa huli.
Umangat ang Ateneo sa 2-0. Ang defending champions ay nanalo ng 28 sunod na laro magmula pa noong 2018, isang run na kinabibilangan ng perfect 16-0 campaign sa Season 82.
Nahulog ang FEU sa 1-1.
Sa unang laro ay nadominahan ng Adamson University Soaring Falcons ang University of the East Red Warriors, 82-66, para makabawi sa opening day loss at makopo ang kanilang unang panalo.
Nagbida si Jerom Lastimosa para sa Adamson na may 14 points, 2 rebounds, at 2 assists habang nagdagdag si Keith Zaldivar ng 11 points at 2 rebounds para sa San Marcelino-based squad.
Iskor:
Unang laro:
Adamson (82) — Lastimosa 14, Zaldivar 11, Sabandal 8, Douanga 8, Calisay 8, Jaymalin 7, Yerro 7, Manzano 7, Erolon 5, Hanapi 4, Magbuhos 2, Barasi 1, Colonia 0, Peromingan 0, Fuentebella 0, Maata 0.
UE (66) — Pagsanjan 17, Catacutan 12, N. Paranada 7, Escamis 6, Sawat 5, Lorenzana 4, Abatayo 4, Tulabut 3, Antiporda 2, Beltran 2, Je. Cruz 2, Villanueva 2, Chan 0, K. Paranada 0, Pascual 0.
QS: 32-12, 50-32, 76-42, 82-66.
Ikalawang laro:
Ateneo (79) – Ildefonso 17, Tio 17, Andrade 9, Kouame 9, Belangel 7, Verano 6, Mamuyac 5, Koon 4, Mendoza 3, Lazaro 2, Chiu 0, Daves 0.
FEU (70) – Abarrientos 16, Ojuola 15, Alforque 12, Torres 8, Tempra 8, Gonzales 4, Bienes 3, Gravera 2, Li 2, Sajonia 0, Coquia 0, Sleat 0.
QS: 18-17, 42-32, 67-51, 79-70.