MULING nanalo ang Barangay Ginebra kamakalawa ng gabi kontra NorthPort, 104-98, sa pagpapatuloy ng Governors’ Cup sa Araneta Coliseum. Dalawang sunod na panalo na ito ng Gin Kings, kung saan nanguna sina Japeth Aguilar at import Justin Brownlee. Ang unang biniktima ng Ginebra bago ang panalo sa NorthPort ay ang Alaska.
Sa kasalukuyan, ang standing ng Gin Kings ay 3-0. Nasa likuran nila ang Magnolia (2-0), Blackwater (2-1), Phoenix at Alaska na may 3-1 kartada.
Matindi naman pala ang suspension ni Kiefer Ravena sa FIBA. Any related sa basketball ay hindi puwedeng mag-guest ang player. Grabe naman pala. Ano ang gagawin ni Ravena sa loob ng 18 months kung ganito ang nangyayari sa career niya? Kaya nga naglalaro na lang ng golf si Kiefer kasi nga malayo sa basketball. Sana naman ay magbago ang isip ng mga taga-FIBA at paikliin ang suspensiyon kay Kiefer dahil sayang ang panahon para sa player.
Aarangkada na bukas ang 81st Season ng UAAP sa Mall of Asia Arena. Nakasasabik panoorin ang mga laro ng UE Warriors, De La Salle Green Archers at UST Growling Tigers dahil pawang bago ang kanilang mga head coach. Pinakaaabangan ang pagko-coach ni Aldin Ayo na galing sa La Salle. Ano kaya ang magiging kapalaran nina coach Ayo, coach Silva at coach Louie?
Siyempre, wish namin kay coach Silva ng UE na maging maganda ang kapalaran ng aming alma mater. Good luck, coach Silva.
Halos dalawang buwan na lang ang pinakahihintay ng Jams Artist Production na kanilang grand finals sa Jams Top Model 2018 na gagawin sa MOA Arena sa November 19. Hindi na magkandaugaga sa kaliwaang guesting ang 300 candidates ng naturang event. Ang Jams Top Model 2018 ay may tatlong categories – 6-9 yrs old, 10-15, at 16-25 yrs old. Nagpapasalamat ang Jams Top Model 2018 sa suporta ng One Stop Soap, Trilodent Gold, The Cent and Oil Shop, EverBilena, Rain or Shine, at sa media partners PILIPINO Mirror, BusinesMirror, Pinas Fm, SuprEme production at Radyo Asenso. Good luck!
Comments are closed.