UAAP: 5-0 DADAGITIN NG EAGLES

Standings             W    L

Ateneo  4     0

DLSU     3     1

UP                         3     1

NU                        2     2

UST                       2     2

FEU                       1     3

AdU                      1     3

UE                         0      4

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

10 a.m. – UST vs DLSU

1 p.m. – UP vs AdU

4 p.m. – FEU vs UE

7 p.m. – NU vs Ateneo

HABANG patuloy ang dominasyon ng four-peat seeking Ateneo sa UAAP men’s basketball tournament, nakatutok din ang lahat sa University of the Philippines at University of Santo Tomas.

Makaraang matalo sa  Blue Eagles sa season-opener, ang Fighting Maroons ay nanalo ng tatlong sunod para makasalo sa ikalawang puwesto.

Bigo sa kanilang unang dalawang laro na kumuwestiyon sa kanilang pagiging kumpetitibo, ang Growling Tigers ay nagtala ng back-to-back wins upang umangat sa gitna ng standings.

Makakasagupa ng UP ang inaalat na Adamson, habang makakabangga ng UST ang La Salle na galing sa talo sa Ateneo noong Sabado, sa pagbabalik ng live audience sa unang pagkakataon sa loob ng mahigit dalawang taon bagaman sa imited capacity ngayon sa Mall of Asia Arena.

Liyamado ang Maroons kontra Falcons sa ala-1 ng hapon, habang sisikapin ng Tigers na maipagpatuloy ang kanilang  surprising run sa 10 a.m. match laban sa Green Archers.

Makakaharap naman ng Eagles, walang talo sa huling 30 games magmula pa noong October 2018, ang National University sa 7 p.m. nightcap, kung saan tatangkain ng Ateneo na mahila ang kanilang perfect run ngayong season sa limang laro.

Magsasalpukan naman ang Far Eastern University, may 1-3 simula, at ang wala pang panalong  University of the East sa alas-4 ng hapon.