Standings W L
*UP 11 2
*Ateneo 9 3
*NU 9 5
AdU 7 6
DLSU 6 7
UE 5 9
FEU 5 9
UST 1 12
*Final Four
Mga laro sa Miyerkoles:
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. – DLSU vs UST (Men)
4 p.m. – AdU vs Ateneo (Men)
LUMAKAS ang Adamson sa karera para sa nalalabing Final Four berth habang nabigo ang La Salle sa also-ran University of the East sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.
Isinalpak ni Jerom Lastimosa ang game-winning triple sa huling 5.5 segundo upang maungusan ng Falcons ang National University, 64-63, at malasap ng Bulldogs ang pinakamalaking dagok sa kanilang kampanya para sa twice-to-beat Final Four bonus.
Nasaktan ng Red Warriors, naglaro na walang nakataya kundi ang pride, ang tsansa ng Green Archers na makapasok sa Final Four sa 80-72 overtime win.
Umakyat ang Adamson, makakasagupa ang Ateneo sa kanilang final elimination round game, sa fourth place na may 7-6, habang nahulog ang La Salle, makakaharap ang University of Santo Tomas sa Miyerkoles, sa fifth spot sa 6-7.
Ang panalo ng Falcons kontra Blue Eagles o ang pagkatalo ng Green Archers sa Growling Tigers ay magbibigay sa kanila ng huling semis spot.
Kinumpleto ng UE ang season-sweep sa La Salle, na naputol ang three-game winning streak.
Tinapos ng NU ang kanilang elimination round stint na may 9-5 marka at ang kanilang kampanya para sa kahit playoff para sa nalalabing twice-to-beat spot sa Final Four ay wala na sa kanilang mga kamay. Ang panalo ng Blue Eagles sa huling dalawang laro ay magseselyo sa No. 3 ranking ng Bulldogs sa Final Four.
Tinapos ng Far Eastern University ang kanilang kampanya sa 77-62 pagbasura sa Nic Cabañero-less UST.
Ang Red Warriors at Tamaraws ay nagtapos sa 5-9 records sa joint sixth.
Iskor:
Unang laro:
AdU (64) — Douanga 16, Hanapi 9, Manlapaz 8, Lastimosa 7, Yerro 4, Sabandal 4, Fuentebella 3, Jaymalin 3, Colonia 2, Barcelona 2, Manzano 2, Barasi 2, V. Magbuhos 2, Flowers 0, Torres 0.
NU (63) — Enriquez 18, Figueroa 13, John 10, Malonzo 7, Clemente 5, Tibayan 4, Yu 2, Palacielo 2, Manansala 1, Galinato 1, Minerva 0, Mahinay 0, Tulabut 0.
QS: 18-14, 33-36, 53-48, 64-63
Ikalawang laro:
FEU (77) — Gonzales 15, Sajonia 11, Torres 10, Sleat 9, Sandagon 8, Alforque 7, Tchuente 7, Bautista 3, Gravera 3, Añonuevo 2, Songcuya 2, Ona 0, Tempra 0, Bagunu 0, Celzo 0, Guibao 0.
UST (62) — Lazarte 13, Faye 10, Manaytay 10, Garing 9, Laure 7, Manalang 5, Pangilinan 5, Duremdes 3, Escobido 0, Mantua 0, Herrera 0.
QS: 24-17, 40-33, 56-45, 77-62
Ikatlong laro:
UE (80) — Remogat 24, K. Paranada 13, Stevens 12, Villegas 10, N. Paranada 6, Gilbuena 5, Pagsanjan 4, Sawat 4, Payawal 2, Tulabut 0, Alcantara 0.
DLSU (72) — Nonoy 14, Austria 10, Nwankwo 10, Nelle 8, Cortez 8, Macalalag 8, Quiambao 7, B. Phillips 4, Estacio 3, Abadam 0, Winston 0.
QS: 16-27, 36-33, 50-51, 68-68, 80-72.