UAAP: ARCHERS KINATAY ANG TIGERS

Mga laro sa Miyerkoles:
(Smart Araneta Coliseum)
8 a.m. – UST vs UPIS (JHS)
9:45 a.m. – UE vs Ateneo (JHS)
11:30 a.m. – UST vs UP (Women)
1:30 p.m. – UE vs Ateneo (Women)
4:30 p.m. – UST vs UP (Men)
6:30 p.m. – UE vs Ateneo (Men)

NADOMINAHAN ng defending champion La Salle ang University of Santo Tomas, 88-67, upang manatili sa solo second sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Araneta Coliseum.

Ang panalo, ang ika-5 sa anim na laro, ang ika-15 sunod na panalo ng Green Archers kontra Growling Tigers magmula noong Sept. 14, 2016.

Makaraang yumuko sa University of the East, ang La Salle ay nanalo sa kanilang huling dalawang laro at magkakaroon ng week-long break bago harapin ang University of the Philippines sa rematch ng last year’s Finals sa Oct. 6.

Ang Fighting Maroons ang nag-iisang undefeated sa 5-0.

“I think the key for us this afternoon is that we really tried to outwork them. We know what they’re capable of, we know how well coached that team is, and sabi nga namin, our goal right now is to just outwork UST,” sabi ni Green Archers head coach Topex Robinson.

Nanguna si Mike Phillips para sa La Salle na may 12 points, 18 rebounds, at 2 assists. Inialay niya ang laro kay Doleo Susalta, ang security guard ng team compound na isa sa kanyang malalapit na kaibigan, na pumanaw kamakailan.
Umiskor si Vhoris Marasigan ng 11 points sa 4-of-5 shooting mula sa field, habang si
Raven Gonzales ay may pinakamagandang outing sa season na may 10 points, 5 rebounds at 2 steals sa 14 minuto at 20 segundo
ng aksiyon para sa Green Archers.

Nag-ambag din sina Kevin Quiambao at JC Macalalag ng tig-10 points.

“It breeds how one of the things that we really wanted to bring to life is how the ‘one more’ mentality; guys knowing that they will have their opportunity when it comes,” ani Robinson.

Sa pagkatalo ay tumabla ang Growling Tigers sa Red Warriors sa fourth place sa 3-2.

Nanguna si Nic Cabañero para sa UST na may 16 points sa 7-of-11 shooting, habang nagposte si Forthsky Padrigao ng double-digit scoring output sa unang pagkakataon ngayong season na may 15 points na sinamahan ng 5 assists.

Iskor:
DLSU (88) – Phillips 12, Marasigan 11, Quiambao 10, Gonzales 10, Macalalag 10, Agunanne 7, Austria 6, Gollena 6, Dungo 6, David 4, Abadam 3, Konov 3, Ramiro 0.

UST (67) – Cabañero 16, Padrigao 15, Acido 9, Manaytay 8, Tounkara 5, Llemit 5, Danting 5, Robinson 2, Lane 2, Calum 0, Estacio 0, Paranada 0, Mahmood 0, Crisostomo 0, Pangilinan 0, Laure 0.

Quarterscores: 19-18, 36-28, 61-50, 88-67