BIBIGYANG-PUGAY ang student-athletes na kinatawan ang Pilipinas sa katatapos na 32nd Southeast Asian Games sa pormal na pagsasara ng UAAP Season 85 ngayon sa Mall of Asia Arena.
Gagawaran din ng parangal ng liga ang Athlete of the Year sa Team at Individual Sports sa High School and College Division ngayong season, gayundin ang High School at College General Champions.
Pararangalan din ang high school at collegiate athlete scholars mula sa walong member-schools.
Pinangungunahan ni Adamson men’s basketball star Jerom Lastimosa, isa sa vital cogs sa Gilas Pilipinas squad na nabawi ang gold, ang 73 student-athletes ng liga na sumabak sa biennial games sa Cambodia. May 58 golds, nahigitan ng Pilipinas ang 52-gold haul nito sa Hanoi noong nakaraang taon, na sinamahan ng 85 silvers at 117 bronzes.
Kabilang sa UAAP athletes na nagwagi ng golds sina La Salle swimmer Xiandi Chua, ang women’s MVP na nagtala ng bagong SEA Games record sa women’s 200-meter backstroke na 2:13.20; National University taekwondo jin Kurt Barbosa, ang men’s MVP na nakakumpleto ng threepeat makaraang pagharian ang ru men’s -54kg division; at University of Santo Tomas poomsae exponents Maria Nicole Labayne at Aidalane Laxa, na dinomina ang
recognized team female category.
Nanguna si Mecca Cortizano, na bahagi ng University of the East athletics team, sa obstacle course racing women’s team relay, habang namayani si Erika Burgos, miyembro ng University of the Philippines women’s swimming team, sa mixed relay aquathlon.
Ipapasa ng Adamson ang hosting responsibilities sa UE, na mangangasiwa sa Season 86.
Bago ang closing ceremony, magbabalik ang streetdance competition sa alas-2 ng hapon, kung saan pangatlo sa magpeperform ang La Salle Dance CompanyStreet, ang most recent champions noong 2019.
Ang NU Dance Company ang mauuna, susunod ang FEU Street Alliance.
Pang-apat ang UST-Prime, kasunod ang Company of Ateneo Dancers, UP Streetdance Club at Adamson University Dance Company-Street.