KINANSELA na rin ng UAAP ang men’s basketball games nito na nakatakda ngayong araw dahil sa bagyong Ompong.
Sa isang statement, sinabi ni UAAP Season 81 president Nilo Ocampo na nagpasiya ang liga na ipagpaliban ang iba pang laro sa weekend dahil sa patuloy na pananalasa ni ‘Ompong’ sa Metro Manila at North Luzon.
Ang mga laro sa pagitan ng University of the East at National University sa alas-2 ng hapon at ng University of Santo Tomas at University of the Philippines sa alas-4 ng hapon ay nakatakda sanang gawin sa Filoil Flying V Centre.
Ang mga laro noong Sabado ay kinansela rin ng liga dahil sa bagyo.
Nakatakda sanang magsagupa ang defending champion Ateneo at Far Eastern University sa alas-2 ng hapon, habang maghaharap naman ang Adamson University at De La Salle sa alas-4 ng hapon sa men’s division sa Smart Araneta Coliseum.
Kinansela rin ang women’s morning matches sa pagitan ng University of Santo Tomas at De La Salle at ng title-holder National University at Adamson University, sa Big Dome din.
Comments are closed.